• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon, sinasanay ang sarili para di mabigla kapag magkatrabaho na sila ni Nadine Lustre.

McCoy De Leon nabigla nang malamang makakatrabaho si Nadine Lustre sa pelikula

McCoy De Leon, sinasanay ang sarili para di mabigla kapag magkatrabaho na sila ni Nadine Lustre.

McCoy De Leon nabigla nang malamang makakatrabaho si Nadine Lustre sa pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/20/2022 11:10 AM
McCoy De Leon nabigla nang malamang makakatrabaho si Nadine Lustre sa pelikula
Photo credit to @nadine Instagram (left)/ Photo credit to @mccoydeleon Instagram (right)

Hindi makapaniwala ang former Hashtags member na si McCoy De Leon na makakatrabaho niya sa isang pelikula ang multi-media star na si Nadine Lustre. Magkasama ang dalawa sa pelikulang Deleter ng Viva Films na ididirek ni Mikhail Red at uumpisahang i-shoot sa August.

Ayon kay McCoy, nakasama na niya noon sa It’s Showtime si Nadine pero siyempre ibang experience na magkasama sila sa isang pelikula.

“Nung nalaman kong makaka-work ko siya at mayroon kaming role na talagang connected kami, tinitingnan ko na yung mga pictures niya para kapag nakita ko siya sa personal, hindi ako mabigla. Kasi baka mabigla ako, hindi ako makaarte,” excited na pahayag ng aktor sa ginanap na story conference ng pelikula kung saan kasama rin sa cast si Louise Delos Reyes.


Iikot ang kuwento ng Deleter sa isang online content moderation office habang nagtatrabaho sila bilang mga empleyadong nagpi-filter ng mga graphic uploads bago i-post sa social media platforms.

Magiging complicated ang sitwasyon ng karakter ni Nadine nang magpakamatay ang co-worker at friend niya na gagampanan naman ni Louise matapos nitong mapanood ang isang video na ipinadala sa kanya.

Isang gabi, bigla na lang niyang mapapanood sa kanyang computer ang video ng pagsu-suicide ng kaibigan at kahit anong delete ang gawin niya rito ay hindi ito mabura-bura.

Gagampanan naman ni McCoy ang karakter ni Jace na siyang maghahatid ng comic relief sa pelikula.

READ: McCoy de Leon, Elisse Joson mark anniversary

Teka, ano nga na ang ginagawa nila kapag nakakatanggap sila ng mga sensitive content or videos?

Tugon ni Louise, “Hindi naman delete, pero hindi ko lang… hindi ko na kini-click yung link. Kasi parang ngayon, ang dami ng kapag nag-click ka ng link, mada-direct ka sa bank account mo or kapag masyadong sketchy yung link, hindi ko na kini-click.”

Reaksyon naman dito ni Nadine, “Ako naman po, I think wala pa naman ako na-experience na ganon just because ‘yung Facebook ko, private siya. And pili lang talaga yung mga friends ko na nandoon, so so far wala pa naman ako nakikita na ganyan, but sana wag na mangyari, kasi just like what Louise said, hindi ko… parang ang hirap din kapag makakakita ka ng ganon, so I’d rather not click the link na lang or watch the video.”

“Ako po, ide-delete ko na lang agad kasi hindi mo na sasayangin yung oras mo para mababasa man kung ano yung pangit na nandoon, eh. Kaya nga tayo may choice,” reaksyon naman dito ni McCoy.

Minomonitor ba ni Elisse Joson ang social media account niya ngayong live-in partner na sila at meron na ring anak?

“Siya ba yung admin ko? Well, hindi naman po,” natatawa niyang sagot. “Kasi meron naman kaming respective na mga part na hindi naman dapat na tsini-check at ayaw din niya yung ganun,” paliwanag ni McCoy. 

READ: Nadine Lustre excited to do her first ever psychological horror film

Excited ding ibinahagi ni McCoy ang nararamdamang saya na makatrabaho ang direktor ng Deleter.

“Nu’ng pini-pitch sa akin yung istorya, kung may question ako, sabi ko wala akong question, gusto ko pong gawin. Kasi, nakatrabaho ko na si direk, quality and parang masasabi ko na unique rin ang mga proyekto niya.

“Kaya nu’ng nalaman kong isinama ako ni direk, kahit na extra, gusto ko, eh,” pahayag pa ng aktor.