• Home
  • Fresh Scoops
  • Time out muna sa kanilang love team ang magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil, o mas kilala bilang LizQuen.

LizQuen, hindi muna magkakaroon ng proyekto nang magkasama

Time out muna sa kanilang love team ang magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil, o mas kilala bilang LizQuen.

LizQuen, hindi muna magkakaroon ng proyekto nang magkasama-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/20/2022 02:32 PM
LizQuen, hindi muna magkakaroon ng proyekto nang magkasama
Photo credit to @lizasoberano Instagram

Time out muna sa kanilang love team ang magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil, o mas kilala bilang LizQuen.

Sa kanyang endorsement fan meeting kamakailan, nilinaw ni Enrique na hindi muna sila magkakaroon ng proyekto ni Liza na magkasama. Aniya, nais muna nilang dalawa na mag-focus sa kani-kanilang karera sa ngayon.

 


 

"Wala munang LizQuen for the moment, for the meantime, since busy pa 'yung baby ko," ani Enrique kay Liza, na ngayon ay sinusubukan ang kanyang swerte sa Hollywood

Gayunpaman, giit ng aktor: "Pero darating po 'yan promise. Gusto ko muna i-follow niya 'yung big break niya, mag-Hollywood, mag-US. Alam mo kung mahal mo 'yung tao, kahit anong gusto niyang gawin susuportahan mo talaga."

Matatandaan na huling napanood ang LizQuen sa ABS-CBN teleserye na Make It With You noong 2020. Isa ang nasabing serye sa mga nakanselang palabas noong taong iyon dahil sa coronavirus pandemic.

Samantala, excited naman si Enrique, 30, sa kanyang pagbabalik sa show business matapos ang dalawang taon.

READ: Enrique Gil, balik-showbiz matapos ang dalawang taon

"Yes, definitely I'll be back. Actually, I think alam niyo na na nag-meeting ako with the creative team of ABS-CBN. And I've also been meeting with other parties as well. Non-stop naman 'yun. So I'm really thankful for everybody, you know, offering me projects left and right," pagbabahagi ng aktor.

"But since ito 'yung comeback ko, I just really want to make sure I choose the right one. Hindi ako tatanggap lang basta-basta. I'm at that point na gusto ko mag-level up din ng career," sabi pa niya.

Ayon pa kay Enrique, sa kanyang pagbabalik ay nais niyang gumawa ng mga proyekto na hindi pa niya nasusubukan noon.

"It's time for me to take [a different] track, [do] different genres. 'Wag kayong mag-aalala, ibang genre na 'yung [gagawin ko]. [Walang bagong] love team pero siyempre sa lahat ng istorya may kasamang love pero hindi po 'yun 'yung focus. 'Yung gusto kong focus ngayon is me, myself," aniya.

Patuloy niya: "Ang wish ko lang talaga for our film industry, ang plano ko is to make a comeback and to really do something, like a great project na hindi pa masyadong nakikita dito sa industry natin sa Pilipinas. So gusto ko, hindi naman pang-international, pero pwede nating pambato. Like what the Koreans are doing with their movies.

"So doon ako nag-meeting with ABS. Hopefully we can come up with really amazing films na sana para sa akin magle-level up sa mga ginagawa natin dito."