• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang din nina Ara Mina at asawa nito ang kanilang first wedding anniversary.

EXCLUSIVE: Ara Mina handa nang magbuntis; ibinahagi kung bakit nawala sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ipinagdiwang din nina Ara Mina at asawa nito ang kanilang first wedding anniversary.

EXCLUSIVE: Ara Mina handa nang magbuntis; ibinahagi kung bakit nawala sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/02/2022 12:36 PM
EXCLUSIVE: Ara Mina handa nang magbuntis; ibinahagi kung bakit nawala sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Isang taon ng kasal ang aktres na si Ara Mina sa businessman husband niyang  si Dave Almarinez. Ikinasal ang dalawa sa Baguio City noong June 30. Dinaluhan ito ng kanilang pamilya at mga piling kaibigan sa showbiz at isa kami sa naimbita kaya na-witness namin ang very emotional exchanging of vows nina Ara at Dave during the wedding.

Bilang pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary ay pinuntahan nina Ara at Dave ang Alphaland Baguio Chapel kung saan sila ikinasal noong June 30 para muling sariwain ang pinakaimportanteng pangyayari sa kanilang buhay.

“Bumalik kami don sa chapel kung saan kami ikinasal. Don na rin kami nag-dinner,” kuwento sa amin ni Ara.


“Nagkaroon lang ako ng surprise dinner para sa kanya pereo wala namang bisita, si Mandy lang, ako at brother kong si Cris (Mathay), Rikki and kids. Marami kasing hindi available sa family dahiil weekday at may work sila,” sabi ulit ni Ara.

READ: Ara Mina, husband mark first anniversary as a married couple

Nagpadala rin ng ilang larawan si Ara sa PUSH na kuha nung nagpunta sila sa Baguio kasama si Mandy.

Handa na  ba siyang mabuntis ngayon?

“Yes, ready na ako.  7 years old na rin si Mandy.,” tugon ni Ara.  “Last year kasi and early this year masyadong marami kaming inasikaso. Meron din akong regular show na [FPJ’s] Ang Probinsyano at naging busy rin sa campaign kaya mutual yung naging desisyon namin na huwag munang mag-baby. Sana ngayon dumating na siya,” wish ng aktres.

BASAHIN: Ara Mina at Rosanna Roses, excited nang makasama si Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinysano’

Inamin din ni Ara sa amin na nami-miss na niya ang mga dating kasamahan sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin.

“Yes super!  Two years mahigit din ako sa show. We still keep in touch pa rin naman ng  cast,” bulalas niya.

“Umexit kasi ako sa show kasi I needed to campaign to support my husband even if he didn't ask me to. Nung nag-exit ako di pa tapos lock-in namin. Medyo nasa kalagitnaan pa yon at mahihirapan sila pag wala ako, eh.

“Puro highlights na kasi yung kinukunan samin.  Pero hindi pa ako dapat mawawala sa show at ang ganda pa sana ng journey ng character ko as Ellen  kung hindi  ako nag-exit,” paliwanag ni Ara.