• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinakilala na ni Wil Dasovich si Carla Humphries sa kanyang pamilya.

PANOORIN: Wil Dasovich, ipinakilala si Carla Humphries sa kanyang pamilya

Ipinakilala na ni Wil Dasovich si Carla Humphries sa kanyang pamilya.

PANOORIN: Wil Dasovich, ipinakilala si Carla Humphries sa kanyang pamilya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/19/2022 06:58 PM
PANOORIN: Wil Dasovich, ipinakilala si Carla Humphries sa kanyang pamilya
Screenshot from Wil Dasovich Vlogs YouTube Video

Ipinakilala na ng vlogger at dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Wil Dasovich ang aktres na si Carla Humphries sa unang pagkakataon.  

Sa isang vlog na inilabas ni Wil nitong Sabado, ika-16 ng Hulyo, makikita ang naging kaganapan nang magkita sina Carla at ang pamilya ni Wil. 


Ngunit bago ipinakilala ni Wil si Carla sa kanyang pamilya, ibinahagi muna nito sa kanya ang mga maaaring asahan nito sa kanila. 

Hindi rin ikinuwento ni Wil sa kanyang pamilya na si Carla ang pupunta sa bahay nila. 

Inamin naman ni Carla na kinabahan siya baka “ma-judge” siya ng pamilya ni Wil. 

Gayunpaman, sinigurado ni Wil na wala siyang dapat ikabahala o ikatakot basta magpakatotoo lang umano ito. 

“Just be yourself, show up with a good attitude, ‘wag kang maarte, and you should be okay,” mensahe ni Wil kay Carla. 

Pag-amin ng ama ni Carla, kinabahan siya nang malaman niyang magkikita na sila ng aktres. 

"I'm so nervous to see you that I might be starstruck. I thought I have met you before because I've seen you so much,” ani ng ama ni Wil. 

Na-enjoy naman nila ang mga burrito na may Pinoy-flavored twist gaya ng sisig at tocino at beer at chips. 

Sa nasabing vlog, inamin din ni Carla na close na sila ng kapatid ni Wil na si Haley. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Abril nitong taon nang lumabas ang mga litrato nina Wil at Carla na magkasama sa US. Napuno naman ng spekulasyon ang kanilang mga tagahanga tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

READ: Litrato nina Wil Dasovich at Carla Humphries na magkasama, inusisa ng netizens

Samantala, Nobyembre naman noong nakaraang taon nang maghiwalay sina Wil at dati nitong karelasyon na si Alodia Gosiengfao.