• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Gina Pareño na namimiss na niya ang umarte sa harap ng camera.

PANOORIN: Gina Pareño, bumuhos ang luha; nanawagan na mabigyan muli ng proyekto

Inamin ni Gina Pareño na namimiss na niya ang umarte sa harap ng camera.

PANOORIN: Gina Pareño, bumuhos ang luha; nanawagan na mabigyan muli ng proyekto-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/19/2022 03:26 PM
PANOORIN: Gina Pareño, bumuhos ang luha; nanawagan na mabigyan muli ng proyekto
Screenshot from Ogie Diaz YouTube Channel

Hindi napigilan ng beteranang aktres na si Gina Pareño ang pagbuhos ng kanyang mga luha nang manawagan na bigyan siya ng trabaho. 

Sa bagong vlog na inilabas ni Ogie Diaz, ibahagi ni Gina kung gaano niya nami-miss ang pag-arte sa harap ng camera. 

Ani Gina, nakatulong sa kanya ang pagti-TikTok upang labanan ang kanyang depresyon na dulot ng lungkot at pagkadismaya dahil sa kawalan ng proyekto.


READ: Veteran actress Gina Pareño reveals how Tiktok helped her keep her sanity during the lockdown

Nang tanungin ni Ogie kung may pangarap pa siya, sinabi ni Gina na ito ay ang mabigyan muli ng pagkakataon na umarte. 

“Gusto ko pa umarte. Nakakaloka ang hindi umarte,” ani Gina. 

Matapos banggitin ni Ogie ang posibilidad na baka hindi na siya mabigyan ng proyekto, agad na nakiusap si Gina na alukin siya at kunin sa mga proyekto. 

“’Wag muna. Bakit naman? Uy! Alukin naman ninyo ako. Kunin naman n’yo ko, sige na,” saad ni Gina. 

Pag-amin pa ni Gina, umaarte siya minsan mag-isa sa kanyang kwarto — dahilan upang isipin niya na baka makarating siya sa mental hospital. 

“Kasi pag sa kuwarto ako aarte, alam mo sa kuwarto — aarte-arte ako, baka mauwi ako sa mental nito,” sey niya. 

“Pareño, tumigil ka, hayan ka na naman. Kinakausap ko yung sarili ko. Pero hindi pa ho ako nababaliw, ayos pa ako,” dagdag pa niya. “Kailangang ginaganoon ko ang sarili ko,” dagdag pa niya. 

Muli pang nakiusap si Gina at sinabing: “Gustong-gusto ko pa ho umarte. Sana makasama ko pa kayong muli. Sana mabigyan ako ng role.”

Pagpapatuloy pa niya: “Ito, gusto ko itong naiilawan ako nang ganyan. At saka may camera, nakikita ko. At alam ko makakasama ko kayong lahat.”

Tingin raw ni Gina, wala nang nagmamahal sa kanya. “Nakakalungkot. Parang wala nang nagmamahal sa akin.” 

Sinabi ni Gina na wala nang kumukuha sa kanya sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula dahil na rin sa kanyang edad. Matatandaang hinigpitan ang pagkuha ng mga artista na senior citizen dahil sa pandemya. 

READ: ‘Pasado ba?’ Gina Pareno expresses interest to play Lola role in Disney film

Gusto naman umanong makatrabaho ni Gina ngayon ang mga bagong artista. At kung mabibigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang isang batikang artista tulad niya, si Dexter Doria naman umano ang pipiliin niya. 

Kilala si Gina bilang isa sa pinakasikat na artista sa bansa. Nagsimula ang karera niya noong 1960s.