Inamin ng beteranang aktres na si Gina Pareño sa unang pagkakataon na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa vlog na inilabas ni Ogie Diaz, naging bukas si Gina tungkol sa pagiging close niya sa kanyang namayapang kaibigan na si Nenita Vidal o mas kilala bilang Dra. Bong.
“Oo bakit, may problema?” pag-amin ni Gina.
Sey ni Gina, nagmahal siya ng tapat.
“At saka nagmamahal ako ng tapat. Ito, kung babalik siya ngayon, ibabalik ko lahat ng naiwan niya. 'Yung binigay niyang bahay, kanya.”
Gayunpaman, sinabi ni Gina na hindi siya bukas na magmahal muli.
“Wala na, pack up na ako diyan. Wala na po,” saad ni Gina.
Sa parehong vlog, inamin ni Gina na miss na niya ang pag-arte sa harap ng camera.
“Gusto ko pa umarte. Nakakaloka ang hindi umarte,” ani Gina.
READ: ‘Pasado ba?’ Gina Pareno expresses interest to play Lola role in Disney film
Nakiusap din si Gina na alukin muli siya na gumawa ng proyekto sa telebisyon at pelikula.
“’Wag muna. Bakit naman? Uy! Alukin naman ninyo ako. Kunin naman n’yo ko, sige na,” saad ni Gina.
Pag-amin pa ni Gina, umaarte siya minsan mag-isa sa kanyang kwarto — dahilan upang isipin niya na baka makarating siya sa mental hospital.
“Kasi pag sa kuwarto ako aarte, alam mo sa kuwarto — aarte-arte ako, baka mauwi ako sa mental nito,” sey niya.
“Pareño, tumigil ka, hayan ka na naman. Kinakausap ko yung sarili ko. Pero hindi pa ho ako nababaliw, ayos pa ako,” ani Gina. “Kailangang ginaganoon ko ang sarili ko,” dagdag pa niya.
READ: Veteran actress Gina Pareño reveals how Tiktok helped her keep her sanity during the lockdown
Naging kanlungan naman ni Gina ang paggawa ng mga videos sa TikTok nang makaranas ng depresyon dulot ng kawalan ng proyekto.
“Napagod din ako kasi ako nagliligpit lahat. Nagkaroon na ako ng depression nga kasi 'yung nangyaring hindi ka makalabas ng bahay. Pero kailangan ko mag-TikTok. Mag-TikTok ako ulit.”