• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose also gave pieces of advice to the younger generation of sexy stars.

Jaclyn Jose recounts being a sexy star in the ‘80s, how bigger stars treated her: ‘Sisindakin ka talaga’

Jaclyn Jose also gave pieces of advice to the younger generation of sexy stars.

Jaclyn Jose recounts being a sexy star in the ‘80s, how bigger stars treated her: ‘Sisindakin ka talaga’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/18/2022 02:31 PM
Jaclyn Jose recounts being a sexy star in the ‘80s, how bigger stars treated her: ‘Sisindakin ka talaga’

Ibinahagi ni Cannes Best Actress Jaclyn Jose ang dahilan kung bakit mabait siya sa mga baguhang sexy star na nagsisimula pa lang ang career sa showbiz tulad ni Cloe Barreto na bida sa pelikulang Tahan under the direction of Bobby Bonifacio Jr.

Ani Jaclyn, ayaw daw kasi niya maging hadlang sa pagsikat at pag-unlad ng career ng ibang tao.

“I do not judge actors who cannot deliver well. I’ve been here for so long. Alam ko kapag magtatagal ang artista. Hindi na ako ang magsasabi non, ang tadhana na. You just have to be nice, help and let them deliver,” aniya.


“Kasi kapag tatakutin mo, anong mangyayari? Take four, take five, take ten? That will not work. Lalo silang nenerbiyosin, lalong matatakot, lalong hindi makaka-deliver. Papaano kung may potensiyal, natakot lang kaya hindi naka-deliver?” katwiran ng multi-awarded actress. 

READ: Jaclyn Jose, may pakiusap sa mga baguhang artistang makakatrabaho niya

Patuloy niya: “Sa part ko, I wanna be positive as I can be kasi marami na tayong pinagdaanan. Alam natin na o dati ito ganito, ngayon, star na. You just have to give them a chance. Huwag kang maging hindrance sa kanilang pagsikat o kung anuman ang puwede nilang puntahan.”

Ayon pa kay Jaclyn, minsan na siyang naging sexy star kaya alam niya kung paano ang maging kagaya nila na nagsisimula pa lamang sa industriya.

“I am very welcoming to new actors because, sabi ko nga, I once was there. Nanggaling ako diyan sa simula, sa sexy films, sa pagiging bagong artista. At walang nag-block sa akin to go on, so I’m giving back lang din naman what Tita Charito Solis had given me and all the senior, veteran actors before me.”

Masuwerte na lang din daw talaga siya na during her time ay nahawakan siya ng mga mahuhusay at batikang ga director tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Chito Rono.  

“Actually, I can see myself kay Cloe when I was starting pa lang in 1987 sa Private Show where I played a torera. Like her, I’m just quiet, focused lang ako sa work ko. Suwerte nga sila kasi nung time ko, walang tumutulong sa akin. Walang acting workshops, walang acting coaches, walang tutulong sa’yo that time but yourself. Kaya ako ngayon, basta makakatulong ako sa baguhan, I try to help them in their craft,” lahad ni Jaclyn.

READ: Cloe Barreto, excited na makatrabaho sina Jaclyn Jose at JC Santos sa bagong pelikula

READ: Cloe Barreto flattered na nasampal ni Jaclyn Jose sa pelikula

Naranasan din ng award-winning actress noon na sindakin ng ibang sikat na sexy stars nung nagsisimula pa lang siya taong 1984.

“Noong panahon namin, kapag big star yung sexy stars, nananakot sila ng baguhan. Sisindakin ka talaga. They will look at you from head to toe. And we don’t like that kasi it happened to me,” aniya.

“Mabuti na lang, good things happened to me. Ang mga project ko, puro Lino Brocka, Ishmael Bernal, Chito Roño, so I was in good hands. Hindi ko sila pinapansin but I can tell na naninindak sila, eh. Hindi ko gagawin yun sa mga baguhan,” pagre-recall pa niya.

Kabilang sa sexy movies na ginawa noon ni Jaclyn ay ang Private Show (1984), White Slavery (1985), Flesh Avenue (1986) at Takaw Tukso (1986).

Nagbigay din si Jaclyn ng payo sa newcomer sexy stars lalo na sa paggawa ng love scenes na napagdaanan din niya noon.

“Hindi ko naman sinasabi na parang maging ako sila. Ang sa akin lang, kapag sexy scenes, gawin mo na para wala nang Take 2. Kasi kapag Take 2, Take 3, lalo lang madadagdagan yung exposure. So, as much as possible, gawin mo na one take para isahan na lang. 

“Ganun ‘yung ginagawa ko noong araw. Para sa akin, ipapaulit lang ito, gawin ko na lang. Tutal kapag isahan, eh ‘di one time na lang. ‘Yan lang ang lagi kong ina-advise sa paggawa ng sexy films, sexy scenes,” pahayag niya.

Pagbabahagi pa ni Jaclyn, hindi pwedeng mag-inarte sa mga director gaya nina Ishmael Bernal at Lino Brocka noon.

“Pareho lang ang mga paghuhubad noon at ngayon....  Ako, tumanggap ng sexy films before kapag sinabi kong I will accept. Magaganda rin naman ang mga kuwento at mga direktor, magde-deliver ka na. Hindi ka na aarte-arte. Hindi ka puwedeng umarte kina Bernal, Brocka. Baka masampal ka,” huling pahayag ni Jaclynna gumaganap bilang ina ni Cloe sa Vivamax movie  na streaming on July 22.