• Home
  • Fresh Scoops
  • Usap-usapan ang National Costume ni Herlene Budol para sa Binibining Pilipinas.

National Costume ni Herlene Budol sa Binibining Pilipinas, nagkakahalaga ng P300,000

Usap-usapan ang National Costume ni Herlene Budol para sa Binibining Pilipinas.

National Costume ni Herlene Budol sa Binibining Pilipinas, nagkakahalaga ng P300,000-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/17/2022 12:35 PM
National Costume ni Herlene Budol sa Binibining Pilipinas, nagkakahalaga ng P300,000
Photo credit to Binibining Pilipinas Facebook Page

Nagkakahalaga umano ng P300,000 ang National Costume ni Herlene Nicole Budol para sa Binibining Pilipinas. 

Ito ay ayon sa inilabas na vlog ni Wilbert Tolentino tungkol sa national costume ni Herlene na nirerepsenta niya. 


Usap-usapan ang naging pagsuot ni Herlene ng Higantes costume nitong Sabado, ika-16 ng Hulyo. 

Ipinagdiriwang ang Higantes Festival tuwing ikatlong Linggo ng buwan ng Nobyembre. 

Ipinasilip ni Patrick Isorena na nagdisenyo ng National Costume ni Herlene Budol kung paano niya ito ginawa. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Gumamit pa ng mukha na gawa sa fiber glass na nanggaling sa Angono para sa ginamit niya sa higante.  

Kasama din sa nagdisenyo ng national costume si Herbert Ebok Pinpiño na isa umano sa mga kilalang artists sa Angono. 

Kilala ang bayan ng Angono sa Rizal bilang kabisera ng sining ng bansa dahil sa daan-daang alagad ng sining na mula rito. 

Tila marami ang natuwa kay Herlene sa pagkakataong ito. Matatandaang naging kontrobersyal kamakailan ang paggamit niya ng ‘fro’ bilang hairstyle para sa isang photoshoot. 

READ: Herlene ‘Hipon Girl’ Budol criticized over ‘fro’ hairstyle

Ngunit agad naman itong dinepensahan ito ni Wilbert na sinabing walang mali sa ginawa ni Herlene. 

“I don’t see anything wrong with her hair. Was she even mocking dark skin? Was the picture even discriminating certain race? Saan ang paglabag sa cultural appropriation doon? Pinasuot lang ang Afro sa kanya. Afro has been around and artists use it for many photoshoots,” saad ni Wilbert. 

“Drag queens are even wearing afro for their shows, ganun din ba tingin nyo sa kanila. Besides, prehistorically we Filipinos are naturally curly. That’s the statement we want to convey. Embrace our all types of hairstyles. Straight, wavy, short, curly, long, afro or not,” dagdag pa niya. 

Gayunpaman, humingi pa rin ito ng paumanhin sa mga taong na-offend sa ginawa nila. 

“We apologize for those who got offended. But rest assured, we don’t violate any laws, discriminate any race or any minorities. That’s not the intention,” aniya.