• Home
  • Fresh Scoops
  • Aprubado rin ng pamilya Ravelo ang changes and updates sa kuwento ni Darna sa napapanahong buhay ng mga Pilipino.

Pamilya Ravelo, excited na mapanood si Jane De Leon bilang si Darna

Aprubado rin ng pamilya Ravelo ang changes and updates sa kuwento ni Darna sa napapanahong buhay ng mga Pilipino.

Pamilya Ravelo, excited na mapanood si Jane De Leon bilang si Darna-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/16/2022 11:19 AM
Pamilya Ravelo, excited na mapanood si Jane De Leon bilang si Darna

Excited na ang fans sa nalalapit na paglipad ng iconic Pinay superhero na si Darna na gagampanan ni Jane De Leon.

Kamakailan lang, ipinasilip na ang unang trailer ng mga dapat abangan sa ikinakasang Darna The TV Series na ihahatid ng ABS-CBN.


Umaatikabong action scenes at Hollywood standard na cinematography ang bumulaga sa mga Kapamilya netizens na nasabik sa inaabangang serye kung saan mapapanood rin sina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, at Janella Salvador na gaganap naman bilang si Valentina.

Bukod sa Darna fever na ipinaparamdam ng netizens, isa ang pamilya ng iconic comic artist na si Mars Ravelo na siyang utak sa karakter ni Darna ang nagpahayag ng kanilang pananabik sa pagbabalik ng Pinay superhero sa telebisyon.

“Goosebumps. Yeah kasi talagang malaki ang promise ng TV series because of the trailer, nakikita mo na talaga ‘yung series,” sambit ni Rex Ravelo na anak ni Mars Ravelo. “It’s hard to explain the feelings that we have kasi, parang hindi na totoo e, it’s really amazing, it’s amazing that the magic of Darna is still here,” patuloy pa niya.

Hindi inasahan ng Pamilya Ravelo na magiging mainit pa rin ang pagtanggap ng new generation audience sa Darna.

“Well it’s overwhelming. Hindi talaga kami makapaniwala na after all these years, ang support ng Darna is still there. It doesn’t matter how old you are, or kahapon ka lang ipinanganak, kilala mo na si Darna. And it’s very, very nice and very fulfilling kasi there’s a Filipino pride e, sa gitna ng superheroes ng Hollywood, here comes Darna na tanggap na tanggap ng Filipino.”

Sa naganap na 2022 Toy Convention, personal na nagkaharap si Jane at si Rex Ravelo na pinuri ang ganda at dedikasyon ng aktres para sa role ni Darna.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

 

“Believe it or not, first time ko na-meet si Jane today. Because of the pandemic we don’t have the chance to meet. Of course we want to meet, but because of the constraints, it never happened. Now we are very, very happy to meet her in person kasi talagang bagay siya as Darna.”

Sa panayam rin ng PUSH, ibinahagi ng pamilya Ravelo na aprobado nila ang updates sa kuwento ng Darna na malapit nang mapapanood sa telebisyon.

“It’s not really nabago, it’s just updated. Hindi pwedeng hindi i-update ang story kasi the story was 73 years old so lahat ng changes sa story, they’re all in line with the Ravelo Family.”

Matipid man sa kaniyang sagot, nagreact din ang Pamilya Ravelo sa bagong Darna costume. “Yes! The Best!” pahayag nito.

Sa darating na Agosto, mapapanood na ang Darna sa direksyon ni Chito S. Roño.