Charlene Gonzalez pinayagan ni Aga Muhlach na magbalik-showbiz

Charlene Gonzalez gustong bumalik sa pagtratrabaho.

Charlene Gonzalez pinayagan ni Aga Muhlach na magbalik-showbiz-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/16/2022 10:15 AM
Charlene Gonzalez pinayagan ni Aga Muhlach na magbalik-showbiz
Photo credit to @itsmecharleneg on Instagram

Pinusuan ng netizens ang post ni Charlene Gonzalez Muhlach kamakailan lang sa social media habang siya ay sumayaw sa tugtog ng kantang “Can’t Take My Eyes Off You.”

Caption ng actress-TV host, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & reunite with my dance partner from Eezy Dancing & Keep on Dancing, Albert Dimarucut.”

Ibinulalas din ni Charlene sa kanyang post kung gaano na niya nami-miss ang pagsasayaw.


“So much fun memories… I miss dancing, my VIP family & Maribeth Bichara. Who taught me everything I know about dancing,” sabi pa niya. pa.

READ: Atasha Muhlach returns from the UK

First time din daw siyang napanood ng kambal nilang anak ni Aga Muhlach na sina Atasha at Andres na sumayaw.

“Just sharing my happiness with you all. Keep on Dancing everyone. Much love always,” lahad ni Charlene.

May naging reaksyon naman si Aga sa post ng asawa.

Ani Aga,  “Yaaaaz!!!!!! you challenging me my love??? Hahahaha.”

Twenty-one years nang kasal sina Charlene at Aga at simula nung maging Mrs. Muhlach ang dating beauty queen ay huminto na rin ito sa showbiz.

READ: Aga Muhlach has a message for wife Charlene Gonzalez on her birthday

Sa interview namin noon kay Aga ay ibinahagi nito na gusto na ulit bumalik sa showbiz ng kanyang misis para magtrabaho lalo na ngayong sa ibang bansa nag-aaral ang dalawa nilang anak.

“We’ve talked about it. Sabi ko, ‘My loves, if you really want to start working, it’s really okay, I’m not stopping you, go ahead.’ Pero medyo kinakabahan siya, but she wants to. People don’t know or TV stations don’t know that she’s willing to work again. Well, I hope they find out that she’s game,” pahayag ni Aga.

Samantala, si Charlene ay naging host ng mga programang Eezy Dancing sa TV5, Keep on Dancing, ASAP, Feel at Home with Charlene, At Home ka Dito, at The Buzz ng ABS-CBN.