• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa ng aktres na si Marian Rivera ang pagkikita ng kanyang anak na si Zia Dantes at ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Pagiging hands-on mom ni Marian Rivera, pinuri ni Hidilyn Diaz

Ikinatuwa ng aktres na si Marian Rivera ang pagkikita ng kanyang anak na si Zia Dantes at ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Pagiging hands-on mom ni Marian Rivera, pinuri ni Hidilyn Diaz-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/15/2022 03:04 PM
Pagiging hands-on mom ni Marian Rivera, pinuri ni Hidilyn Diaz
Photo credit to @hidilyndiaz Instagram

Ikinatuwa ng aktres na si Marian Rivera ang pagkikita ng kanyang anak na si Zia Dantes at ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Kamakailan, isang retrato ang ibinahagi ng aktres sa Instagram kung saan kitang magkasama si Zia at ang weightlifting champion. Kuha umano ito mula sa isang training session ni Zia, 6, para sa kanyang gymnastics class. 

Agad naman ni-repost ni Hidilyn ang retrato sa kanyang account at sinabing: "Ang galing ni Zia sa mga training niya kanina. Kudos kay idol Marian, pina-enroll niya sa Gymnastics class si Zia."

Bukod dito ay nag-post din si Hidilyn ng kanyang sariling retrato kasama naman si Marian. Sa kanyang caption ay pinuri ng Olympic champion ang aktres sa pagiging hands-on at supportive nitong ina kay Zia.

"Nahihiya ako magpa-picture kay idol, siyempre Marian 'yan! Mabait at sweet pala siya in person. Hands-on at supportive siya kay Zia. Kudos to Marian," aniya.

Noong nakaraang taon ay gumawa ng kasaysayan si Hidilyn, 31, nang maiuwi niya ang kauna-uhanang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Samantala, si Zia ang nag-iisang babaeng anak ni Marian at ng asawa nitong si Dingdong Dantes. Mayroon din silang anak na lalaki, si Sixto, na ipinagdiwang ang kanyang ikatlong kaarawan nito lamang Abril.