• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik-showbiz na ang aktor na si Enrique Gil matapos ang dalawang taon.

Enrique Gil, balik-showbiz matapos ang dalawang taon

Balik-showbiz na ang aktor na si Enrique Gil matapos ang dalawang taon.

Enrique Gil, balik-showbiz matapos ang dalawang taon-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/15/2022 11:16 AM
Enrique Gil, balik-showbiz matapos ang dalawang taon
Photo credit to @krizgazmen Twitter

Balik-showbiz na ang aktor na si Enrique Gil matapos ang dalawang taon.

Ito ang kinumpirma ng ABS-CBN Films head na si Kriz Gazmen sa kanyang post sa Twitter nitong Huwebes, Hulyo 14.

 


 

Nag-post si Gazmen ng retrato kasama si Enrique at iba pang executive ng Kapamilya network, kabilang na ang Star Magic at TV production head na si Lauren Dyogi. 

"So exciteeeeeed!!! Look who’s back. #ItsAboutThatTime," ani Guzman sa kanyang tweet.

Huling napanood ng fans si Enrique noong 2020 sa ABS-CBN teleserye na Make It With You. Matatandaan na isa ang serye sa mga nakanselang palabas noong taong iyon dahil sa coronavirus pandemic.

Kasamang bumida ng aktor sa serye ang kanyang real-life girlfriend na si Liza Soberano, na kamakailan lang din ay nagbalik-showbiz matapos pumirma ng kontrata sa kanyang bagong management agency na Careless Music.

READ: Ogie Diaz nag-react sa balitang ikakasal na sina Liza Soberano at Enrique Gil

Samantala, inaasahan naman ng fans na maraming proyekto ang nakalinya ngayon para kay Enrique, kabilang na ang onscreen reunion nila ni Liza.