Concert ng The Juans sa Araneta tuloy kahit umalis ang dating drummer ng banda

Personal ang dahilan ng pag-alis ng drummer ng The Juans.

Concert ng The Juans sa Araneta tuloy kahit umalis ang dating drummer ng banda-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/15/2022 04:18 PM
Concert ng The Juans sa Araneta tuloy kahit umalis ang dating drummer ng banda
Photo credit to @thejuansofficial Instagram

Umalis na sa grupo ng The Juans ang drummer nilang si Joshua Coronel. Personal ang dahilan ni Joshua sa pagkalas niya sa The Juans. Mag-aasawa na kasi ito at gusto nang mag-focus sa pagbuo ng pamilya. Hindi na rin makakasama sa first major concert ng The Juans sa Araneta Coliseum sa October 23 si Joshua.

Ayon sa lead vocalist at keyboardist ng grupo na si Carl Guevarra, hindi man nila makakasama sa concert si Joshua ay bahagi pa rin ito ng lahat ng kanilang achievements.

“He’s very much a part of this (concert). Kasama siya sa pangarap na yon. Doors are open for Josh because once a Juan, will always be a Juan,” ani Carl.


Wala rin daw bad blood between them at sa dating drummer. Sa katunayan, excited na rin daw si Joshua sa concert ng grupo sa Big Dome dahil nakasama pa nila ito sa pre-production ng concert.

“Bilang isang pamilya, isa sa values namin ay pahalagahan ang priorities ng bawat isa. And in our case, as we all know, si Joshua po ay meron nang asawa, meron nang baby (girl). Of course, you know, as you enter a new phase in your life, having a family, it’s a major game changer, di ho ba?

“And minsan, hindi maiwasan may mga decision making talaga na kailangan naming respetuhin. And for us, we can boldly tell all of you that when we released Josh, it was because we value his priorities in the same way that Josh values our priorities.

“And so when Josh was leaving the group, malugod po naming tinanggap at sinuportahan na kung siya ay magpo-focus sa kanyang pamilya, masaya kami para sa kanya. For us, the story will go on. Sabi nga po nila, di ba, sa showbiz, the show must go on. I believe that the purpose and the vision of the group is more important to us than being able to stick to our narrative na, ‘ah, sila yung nagsimula, sila hanggang dulo.’

“I feel like that the purpose is paramount to us. So mangyari man na apat na lang kami, we will have to get in more people, welcome more people into our family, we’re willing to do that. Kasi po, kami ay nag-grow as artists na ang pina-prioritize namin ay yung mensahe at yung purpose ng grupo more than personalities. So names will fade, faces will fade away but hopefully, the story and the vision of this group will remain years and years after us,” dire-diretsong paliwanag ng bokalista.

READ: Music video ng ‘The Juans’, alay sa COVID-19 frontliners

Ilan sa mga tumatak na kanta The Juans ay ang “Istorya”, “Itutulog Na Lang”, “Dulo”, “Hatid”, “Hindi Tayo Puwede”, at marami pang iba. Bukod kay Carl ay miyembro din ng banda sina Japs Mendoza (lead guitarist), Chael Adriano (bassist) at RJ Cruz (guitarist).

Producer ng The Juans Live In Araneta ang KDR Music House at ang Viva Live, Inc.