• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Paul Desiderio ang mga akusasyon sa kanya ng dati niyang partner na si Agatha Uvero.

Paul Desiderio, nagsalita na tungkol sa umano’y pang-aabuso niya sa dating partner na si Agatha Uvero

Pinabulaanan ni Paul Desiderio ang mga akusasyon sa kanya ng dati niyang partner na si Agatha Uvero.

Paul Desiderio, nagsalita na tungkol sa umano’y pang-aabuso niya sa dating partner na si Agatha Uvero-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/14/2022 07:30 PM
Paul Desiderio, nagsalita na tungkol sa umano’y pang-aabuso niya sa dating partner na si Agatha Uvero

Naglabas ng pahayag si Paul Desiderio kaugnay sa mga akusasyon sa kanya ng dating partner na si Agatha Uvero. 

Ito ay matapos isapubliko ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) courtside reporter ang umano’y pang-aabuso sa kanya ni Paul. 

Pinabulaanan ni Paul ang mga akusasyon sa kanya ni Agatha at sinabing nabigla umano siya rito lalo pa’t inaasahan niyang magiging “civil” sila sa isa’t-isa. 


“Her social media allegation is unfortunate and sad, and most of all, untrue. I had hoped that we will be civil with each other after our separation, for the sake of our son,” ani Paul. 

Dagdag pa ni Paul, hindi niya magagawang manakit ng babae — lalo pa’t ina ito ng anak niya. 

“I vehemently deny her allegations of abuse during our relationship. I have had relationships prior to Ms. Uvero, and I also have a daughter from a previous relationship. I have never hurt a woman, especially not the mother of my child,” aniya. 

Sinabi din ni Paul na handa siyang makipag-ugnayan sa Philippine Basketball Association (PBA) sa gagawin nitong imbestigasyon. 

“I will fully cooperate with the PBA in the conduct of its investigation and I am confident that I will be absolved of the accusations hurled against me,” aniya. 

Dagdag pa ni Paul: “I will also face any complaint against me in any forum, especially in relation to domestic abuse accusations. I also reserve the right to seek redress for these defamations against my name and person.” 

“I have worked hard for the little that I have achieved in my life, and I have always done it with dedication and honor. I will fight for the honor of my and my family’s name and reputation because that is all we have,” pagpapatuloy pa niya. 

Humingi din si Paul ng paumahin sa mga taong naapektuhan sa nasabing isyu. 

“I apologize to all those who have been affected as a result of this issue, to my family, to my friends, to my team, Blackwater, and to my daughter and son,” aniya. 

Ayon kay Agatha, nakaranas siya ng emotional at physical abuse habang magkasama pa sila ng Blackwater Bossing player. 

"I have proof, pictures, screenshots [of the abuse]. If no one will side with me, I'll accept it but I know the truth. I am not perfect and I've had my own mistakes in this relationship but no matter how mad I was, if I was almost twice your height and weight, I wouldn't hurt you like this," aniya. 

Dagdag pa niya, nagkaroon siya ng post traumatic stress disorder (PTSD) dahil sa mga nangyari sa kanya. 

"I have PTSD from the abuse I've endured under him and right now am so scared to do this but I'm thinking of all the other girls in my place," ani Agatha. 

READ: Paul Desiderio accused of abusing former partner

Dahil dito, kinuha ni Agatha ang pagkakataon upang hikayatin ang mga kapwa niya babae na magsalita sa mga ganitong pagkakataon. 

“We won't let them be the victors while we hide as silent victims. Our silence eats us up slowly and causes us to retract from our other loved ones. Please ladies, we can't allow this to keep happening. Men should be accountable for their actions."