Eliza Pineda, nasaan na nga ba ngayon?

Natatandaan niyo pa ba ang aktres si Eliza Pineda?

Eliza Pineda, nasaan na nga ba ngayon?-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/14/2022 04:14 PM
Eliza Pineda, nasaan na nga ba ngayon?
Photo credit to @mariaelizapineda Instagram

Natatandaan niyo pa ba si Eliza Pineda?

Unang nakilala ang aktres bilang isa sa mga original cast member ng kiddie gag show na Goin' Bulilit. Matapos nito ay napanood siya bilang bida ng sikat na ABS-CBN teleserye na Maria Flordeluna noong 2007.

Kamakailan ay nag-guest si Eliza, 26, sa online talk show na PUSH Bets Live upang magkwento tungkol sa kanyang buhay at mga pinagkaabalahan ngayon.


Ayon sa aktres, ngayong wala siya sa showbiz ay busy siya sa pagha-handle ng business ng kanyang pamilya, kabilang na ang kanilang resort. Nagtatrabaho rin umano siya ngayon bilang isang writer o manunulat.

"When I was a teenager gusto ko talaga i-pursue 'yung writing along with acting. So when I was that age din, nag-start din ako maghanap ng mga opportunities na I can develop my writing skills and fortunately nakahanap naman ako. During the pandemic lalo ko siyang pinursue. Right now I write for various companies, PR, ganun. Press release, vlogs, mga copywriting, stories, feature stories, et cetera," aniya.

Kung bakit bigla siyang nawala matapos ang kanyang kasikatan sa Maria Flordeluna, sinabi ni Eliza na naisipan niyang bumalik sa eskwelahan para tapusin ang kanyang pag-aaral. Ngayon ay graduate na ang aktres sa kursong multimedia studies mula sa Open University program ng University of the Philippines.

"Nag-lie low ako nung mga teenage days ko. ... Inasikaso ko 'yung studies ko kasi medyo na-late na rin ako at that time kasi maraming tapings and busy. Parang napabayaan ko rin siya. So sabi ko sa sarili ko, gagamitin ko 'yung time na 'to para tapusin 'yung studies ko," aniya.

"Thankfully nagawa ko naman siya. Nag-college ako after kong tapusin 'yung high school ko. Nag-college ako sa UP. ... But then nung nagca-college din ako, tinry ko pa rin bumalik sa showbiz. Nagka-projects pa rin ako like 'Angelito' and 'Haunted Mansion.' And then lumipat ako ng network until nag-pandemic nga and 'yun, nag-lie low pa rin ako."

READ: Kristel Fulgar and Eliza Pineda reenact their iconic scene

Pag-amin ni Eliza, ilang beses na niyang naisip na tuluyan nang iwan ang show business para sa mas pribado at mas normal na pamumuhay. Ngunit patuloy pa rin siyang bumabalik dahil mahal niya ang industriya at ang pag-arte.

"To a point, yes. But siyempre mahal ko pa rin 'yung showbiz and 'yung pag-arte also. But there's really a time na naisip ko sa sarili ko na, why don't I just stop and live a normal life? Which is I kind of did noong right before the pandemic. ... I tried to live a normal life. So I worked right before the pandemic and na-enjoy ko naman siya. And nasabi ko rin sa sarili ko na, okay, kahit pala mag-quit ako ng showbiz, kaya ko naman. I can do it pala," sabi ng aktres.

"But I really love acting din kasi. I really love the industry. Gusto ko lang sana minsan mag-break kasi nga it's my personality din as an introvert, ganun. And dahil din minsan sa toxic environment. But yeah, gusto ko pa rin naman siya balikan, definitely. And I don't want to quit completely."

Sa kanyang nakatakdang pagbabalik sa showbiz, marami umanong nais gawin si Eliza, kabilang na ang pagsabak sa mas challenging at mas mature na pagganap bilang aktres.

"I've always been attached kasi sa mga projects na very emotional, deep connection with the character. So sana mabalikan ko something na makakapaghasa ulit sa akin sa acting... Sana hindi pa ako rusty pero sana medyo deep role, 'yung character na talagang I can lost [in]. And any naman 'yun. I think ready naman ako for more mature roles," aniya. 

Panoorin ang buong episode dito:

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.