• Home
  • Fresh Scoops
  • Bibida si Nadine Lustre sa ‘Deleter’ na ididirek ni Mikhail Red.

Nadine Lustre excited to do her first ever psychological horror film

Bibida si Nadine Lustre sa ‘Deleter’ na ididirek ni Mikhail Red.

Nadine Lustre excited to do her first ever psychological horror film-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/13/2022 07:17 PM
Nadine Lustre excited to do her first ever psychological horror film

May bagong pelikula ang multimedia star na si Nadine Lustre sa Viva. Ang title nito ay Deleter na isang psychological horror na ididirek ni Mikhail Red. Pangalawang pelikula na ito ni Nadine sa Viva—her first was Greed—pagkatapos ng naging probelema nila ng film company na nagpasikat sa kanya.

Ayon kay Nadine sa face-to-face storycon ng Deleter, excited siyang gawn ang project dahil first time niyang makakatrabaho si Direk Mikhail at first time din niyang gagawa ng isang psycho horror.

“Super excited ako to do this film, my first psychological horror,” bulalas ni Nadine. “I’m also very excited to work with Direk, kasi to be honest, I haven’t seen any of his films.


“Pero there’s Dead Kids, Block Z, ano pa ba, and these are very innovative and very challenging films. And ako I’m up for the challenge talaga dahil sabi ko nga, masarap talagang gumawa ng pelikula na out of my comfort zone,” masayang pahayag pa ng aktres sa ginanap na face-to-face storycon ng kanyang pelikula.

Ibinahagi rin ng aktres kung ano ang hinahanap niya sa isang horror project bago niya ito tanggapin.

“Ayoko yung puro jump scare lang tapos puro nakakatakot lang. Nae-enjoy ko po kapag yung pelikula mereon siyang back story, merong malalim na kuwento.

“Yung isa din po kasi sa mga favorite ko na psychological horror meron siyang after effect, so gusto ko yung mga pelikula na parang after mo siyang panoorin may mga ilang days ko siyang iisipin. After kong panoorin yung isang favorite ko na film talagang every time kailangang lumilingon ako at natsitsek ako kung may tao kasi may ganun din sa film,” lahad pa niya.

READ: How Nadine Lustre met her boyfriend Christopher Bariou

Sa status ba ng kanyang career ngayon ay ano ang mas gusto niyang ginagawa—commercial o conventional movies?

Sagot ni Nadine, “I guess I will always go for both. Kasi pag paulit-ulit na po yung genre ng films na ginagawa mo nakakasawa rin siya. Sobrang redundant na din.”

“Tsaka hindi na siya challenging kasi, ‘Ah, alam ko na gagawin ko, ganito lang yan, ganyan.’ So I always choose projects that are challenging because I want to challenge myself. Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako. Hahaha!

“Gusto ko yung nasa labas ako ng comfort zone ko because I know that that’s good. Na dapat i-try ko rin yung different roles, different kinds of films. And for me po kasi at the end of the day I feel like more than… di na rin for the [cast], but I’m doing it for myself because iba po kasi yung feeling knowing na proud ka sa ginawa mo,” katwiran ng ka-love team at ex-girlfriend ni James Reid.

READ: Nadine Lustre, sumakay sa isang tricycle; hirit ng isang netizen, sana lahat ng celebrity gaya niya

Samantala, umaasa si Nadine na maipapalabas sa sinehan at hindi lang sa Vivamax ang Deleter kung saan kasama rin sa cast sina McCoy de Leon at Louise delos Reyes.

Aniya, “Gusto siyang makita on the big screen. Nakaka-miss kasi yung premiere night. Sana mapalabas ito sa sinehan kasi ang tagal ko ng hindi nakanood ng sine.”

May patikim naman si Nadine sa role niya sa psycho horror film.

“Kami yung nagmo-moderate ng mga content ng social media and dahil sobrang accessible ng social media kahit ano puwede nating i-post. Yung trabaho namin kami yung namimili just to make sure na yung mga ma-upload na videos ay maayos or hindi violent.

“Do’n sa isang video na mapapanood namin may madi-discover kami at don na  papasok yung horror element na kuwento ni Nadine.