• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinunyag ng aktres na si Alexa Ilacad ang isa mga sikretong talento ng kanyang onscreen partner na si KD Estrada.

Hidden talent ni KD Estrada, ibinunyag ni Alexa Ilacad

Ibinunyag ng aktres na si Alexa Ilacad ang isa mga sikretong talento ng kanyang onscreen partner na si KD Estrada.

Hidden talent ni KD Estrada, ibinunyag ni Alexa Ilacad-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/13/2022 04:28 PM
Hidden talent ni KD Estrada, ibinunyag ni Alexa Ilacad
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

Ibinunyag ng aktres na si Alexa Ilacad ang isa mga sikretong talento ng kanyang onscreen partner na si KD Estrada.

Sa vlog ni Luis Manzano na "Luis Listens", ibinahagi ni Alexa na kayang gayahin ni KD ang boses ng sikat na mang-aawit na si Erik Santos. 

"Lagi niyang ginagaya si kuya Erik Santos," ani Alexa.


"Kasi may distinct voice si kuya Erik, 'di ba. And ang galing, ang galing. I'm not doing it to, like, mock him," paglilinaw ni KD.

Kwento ng aktor, nadiskubre niya ang talento niyang ito habang nasa set ng variety show na "ASAP Natin 'To" kung saan madalas silang magtanghal ni Erik.

"One day he just suddenly discovered his talent in trying, being [Erik Santos]. And he won't stop! He won't stop," natatawang sabi ni Alexa.

"Araw-araw ginagawa niya. Kahit naglalaro kami ng Call of Duty, bigla na lang kakanta 'yan ng 'I'll Never Go.' Stop!"

Nang matanong naman ni Luis kung alam na ba ni Erik ang tungkol sa panggagaya niyang ito, mabilis na sagot ni KD: "No! Hindi pa."

Biro ni Luis: "Erik ah. Kita mo 'yung ginagawa ni KD ah."

Panoorin ang nakakabilib na paggaya ni KD sa tinaguriang "Prince of Pop" dito: 

Nakatakdang lumipad papuntang Amerika sina Alexa at KD para sa Beyond The Stars: Star Magic US Tour itong darating na Agosto.

Kamakailan lamang ay napanood ang dalawa sa Kumu at iWantTFC series na Run To Me. Matatandaan na unang sumikat ang kanilang tambalan sa loob ng Bahay ni Kuya bilang mga celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season10.