• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinili ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak na sumailalim sa breast reduction surgery.

PANOORIN: Erika Poturnak, sumailalim sa breast reduction surgery

Pinili ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak na sumailalim sa breast reduction surgery.

PANOORIN: Erika Poturnak, sumailalim sa breast reduction surgery-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/13/2022 05:03 PM
PANOORIN: Erika Poturnak, sumailalim sa breast reduction surgery
Photo credit to @erikarae.p TikTok

Inilahad ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak na sumailalim siya sa breast reduction surgery. 

Sa isang TikTok video, sinabi ng panganay na anak ni Ina na dumaan siya sa isang operasyon upang bawasan ang kanyang dibdib. 

Dito, ipinasilip din ni Erika ang iba’t-ibang video at litrato kung saan makikita ang kanyang ginawang paghahanda bago ang operasyon.


“Happiest day of my life,” saad ni Erika sa caption ng kanyang post. 

Panoorin ang video sa ibaba:

READ: Ina Raymundo’s daughter Erika Poturnak gets accepted to Berklee College of Music

Marami naman ang natuwa sa ibinalita ni Erika kabilang na ang content creator na si Inka Magnaye. 

Ani Inka, paniguradong mas gagaan na ang pakiramdam ni Ina lalo na sa kanyang bandang likuran. 

“Congratulations love!! So happy for you!! I bet your back will feel AMAZING!!” 

Maging ang kanyang ina na si Ina ay natuwa din para sa kanya. “Woohoo!” sey ni Ina sa comments section ng nasabing post. 

 

@erikarae.p Happiest day of my life #breastreduction #breastreductionsurgery #fyp ♬ original sound - jake

 

Una nang dinepensahan ni Ina ang kanyang anak sa mga nagpapakalat ng tsismis na nagpadagdag ang kanyang anak. 

Ani Ina, matagal nang gusto ng kanyang anak na magbawas dahil nakakaramdam umano ito ng insecurity dahil dito.

“If anything, my daughter wants to make her breasts smaller,” ani Ina. 

“You have no idea how this made her insecure about her body but I’m happy that it’s not affecting her much anymore. She’s embracing what she has. Be careful with what you say,” dagdag pa niya. 

READ: Erika Rae Poturnak shares mom Ina Raymundo’s throwback pictures on her birthday

Taong 2020 namang magpahiwatig ang noo’y 17 anyos na si Erika sa kanyang plano na magpabawas ng dibdib. 

 

@erikarae.p

Awkies

♬ Satisfaction (Isak Original Extended) - Benny Benassi Presents The Biz - Benny Benassi & The Biz

 

Nagpakonsulta si Erika sa isang doktor tungkol dito. 

Si Erika ang anak ni Ina na napapabalitang may relasyon kay Kobe Paras, ang anak nina Benjie Paras at Jacki Forster.