• Home
  • Fresh Scoops
  • Umani ng papuri mula sa netizens ang selfie ng YouTube star na si Viy Cortez kung saan tila kapapanganak pa lamang nito sa anak na si Kidlat.

Viy Cortez, ibinahagi ang selfie matapos manganak

Umani ng papuri mula sa netizens ang selfie ng YouTube star na si Viy Cortez kung saan tila kapapanganak pa lamang nito sa anak na si Kidlat.

Viy Cortez, ibinahagi ang selfie matapos manganak-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/12/2022 10:06 AM
Viy Cortez, ibinahagi ang selfie matapos manganak
Photo credit to @viycortez Instagram

Umani ng papuri mula sa netizens ang selfie ng YouTube star na si Viy Cortez kung saan tila kapapanganak pa lamang nito sa anak na si Kidlat.

Salungat sa kanyang karaniwan na hitsura sa mga retrato, makikitang walang suot na make-up at walang kahit anong ayos si Viy sa selfie na ibinahagi nito sa Facebook.


"Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa pano ba dapat ang tamang gawin. Okay lang yan bawi na lang sa mga susunod na buwan. Mahalaga, healthy si baby. Alam ko naman mahal ako ni Cong at ni Kidlat kahit ang panget ko ngayon. Hahaha," ani Viy.

"Babawi ako sa sarili ko next time. Ngayon, para sa anak ko muna lahat."

Sa ngayon ay umani na ng higit sa 635,000 reactions at halos 60,000 shares ang selfie ni Viy na lubos na hinangaan ng mga netizen.

"It's okay, Viy. We all go through that as moms. Kudos for being a hands-on mom to Kidlat!" komento ng isang netizen.

"Wala pong panget sa nanay na ibinibigay ang lahat sa kanyang mag-ama. Worth it ang sakripisyo, pagod, at puyat nating mga ina," sabi pa ng isa.

Nito lamang nakaraang linggo nang nanganak si Viy, 25, sa unang anak nito sa partner na si Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang Cong TV. 

Pinangalanan ng magkasintahan ang kanilang lalaking anak na "Kidlat" o Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. 

READ: Viy Cortez, Cong TV welcome first child

READ: CongTV with son Kidlat

Disyembre noong nakaraang taon nang unang inanunsyo nina Viy at Cong TV ang pagbubuntis ni Viy.

Kilala ang dalawa bilang ilan sa mga pinakasikat na vlogger sa bansa. Sa ngayon ay mayroong 10.3 million subscribers si Cong TV sa YouTube, habang si Viy naman ay may 5.91 million subscribers.