• Home
  • Fresh Scoops
  • Salome Salvi wants to push for the decriminalization of sex work industry.

Camgirl Salome Salvi stresses the importance of humanity in their field of work

Salome Salvi wants to push for the decriminalization of sex work industry.

Camgirl Salome Salvi stresses the importance of humanity in their field of work-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/12/2022 03:42 PM
Camgirl Salome Salvi stresses the importance of humanity in their field of work

Present sa special screening ng Vivamax movie na Kitty K7 sa Gateway Mall Cinema ang camgirl at sex worker na si Salome Salvi. Ang istorya ng buhay ni Salome ang inspirasyon nina Antoinette Jadaone, Dan Villegas (producer ng movie), at ng direktor nitong si Joy Aquino para mabuo ang pelikulang pinagbibidahan nina Rose Van Ginkel at Marco Gallo.

Sinasalamin sa pelikula ang malungkot na buhay ng isang sex worker/camgirl at kung bakit ganitong uri ng trabaho ang kanyang pinasok.

READ: Rose Van Ginkel on doing a love scene with Marco Gallo in ‘Kitty K7’: ‘Meron kaming ginawang Asian position!”


After the screening ay matapang na humarap sa entertainment press si Salome kasama ang buong cast ng pelikula at nakakamangha ang kanyang personality. Ani Salome, overwhelmed siya sa kanyang napanood.

“I’m so overwhelmed! It’s really important that my work and yung humanity ng sex workers was represented fairly. And I feel, like, parang yon ang pinaka na-communicate ng film sa akin na, ‘Yes, we are human.’

“We are putting out a commodity that is very wanted, like everyone wants—sex. Everyone wants to see sex. Everyone wants to make porn. Pero a lot of people really forget that it comes from a real person with emotions,” lahad ni Salome pagkatapos mapanood ang Kitty K7.

Dagdag pa niya, maganda rin daw ang pagkakasulat ng script ng pelikula at umeksakto ito sa kanyang mga naging karanasan sa tunay na buhay bilang isang camgirl.

Sabi niya, “I thought that it was important rin that it has shown the dangers that we face and yung illegal danger niya and the harassment that we face from our followers, fans, and the people that we meet on the street. And how badly stigmatized it is—that the stigma actually rips families like what it did for me.

“I was actually really surprised how much the details of my story made it to the film, especially the scene where I started exploring my sexuality with the photographer as well. And the way that parang naghiwalay kami ng nanay ko. Ganun na ganun.”

READ: Rose Van Ginkel on shooting a sensual scene in ‘Kitty K7’: ‘Kapag may partner ka mas madali eh!’

Masaya rin si Salome na naipakita sa pelikula ang humanity ng mga kagaya niyang sex worker.

“It’s so important to me that this film is out there and is telling everyone na meron kaming humanity that people often forget because they always feel that there’s a separation between the product that we put out versus us the workers,” diin pa niya.

Kabilang si Salome sa isang na isinusulong ang decriminalization ng kanilang hanapbuhay.

“It’s really important to me that yon ang naging goal ng film, to push for the decriminalization of sex work that we’re pushing for talaga, especially the organization I’m in. I belong to the Philippine Sex Workers Collective and activist groups formed by sex workers. Yon talaga ang goal–decriminalization,” pagbabahagi pa ni Salome.