Labis na pagdadalamhati ngayon ang bumungad sa mundo ng entertainment sa biglaang pagpanaw ng veteran stand-up comedian na si Philip Lazaro.
Nitong Lunes, ika-11 ng Hulyo, bumuhos sa social media ang mensahe ng pakikiramay at pamamaalam ng mga kaibigan ng stand-up comedian na pumanaw sa edad na 51.
“Tito Phillip Lazaro, Even though we know it is a part of life, we are never prepared to say goodbye forever. Our hearts are heavy today because we have lost someone so special, but we also celebrate your life. Rest In Peace,” post ng isa sa mga pamangkin ni Philip na si Armarie Saavedra Cruz-Go sa isang Facebook post.
Pakikiramay din ang ipinaabot ng mga kaibigan ni Philip mula kay Rey Kilay, Beverly Salviejo, at Andrew De Real na ikinagulat ang pagpanaw ng kanilang kasamahan at mahal na kaibigan.
Bukod sa pagiging isang aktibong stand up comedian, kilala rin si Philip bilang isang direktor ng ilang mga programa sa telebisyon.