• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Andrea Brillantes na hindi niya binalak pumasok muli sa isang relasyon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Seth Fedelin.

Andrea Brillantes, may inamin kaugnay sa relasyon nila ni Ricci Rivero

Inamin ni Andrea Brillantes na hindi niya binalak pumasok muli sa isang relasyon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Seth Fedelin.

Andrea Brillantes, may inamin kaugnay sa relasyon nila ni Ricci Rivero-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/11/2022 04:07 PM
Andrea Brillantes, may inamin kaugnay sa relasyon nila ni Ricci Rivero
Photo credit to @ricciiirivero Instagram

Inamin ni Andrea Brillantes na hindi niya binalak pumasok muli sa isang relasyon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Seth Fedelin.

Ibinahagi ito ng aktres sa vlog ng news anchor na si Karen Davila kung saan naging bukas siya sa relasyon nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

"Wala po talaga akong plano na mag-boyfriend na ulit. Kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko. Lost na ako, tapos habang nagkaroon ng issue sa biggest heartbreak ko na 'yun, namatay din yung tita ko. Lahat ng hurt ko noon, pinagtawanan lang ng mga tao," ani Andrea. 

“Sinasabi nila wala akong karapatan masaktan. Hindi nila alam na hurt and confused lang ako sa mga nangyayari. So ako sobrang lost ko noon kasi hindi ko nga alam kung paano mag-move on eh. Paano ba mag-move on sa tita ko tapos yung sa issues na sinasabi ng lahat ng tao?”

WATCH: Seth Fedelin, may mensahe para sa mga SethDrea fans

READ: Seth Fedelin on being open to working with Andrea Brillantes again: ‘Alam ko lang yung totoo’

Paglilinaw ng aktres, wala na sa imahe ang kanyang ex noong pumasok sa buhay niya si Ricci salungat sa sinasabi ng marami.

"'Yung sa dyowa ko, naging issue rin siya [pero] wala naman na kami [nung ex ko]. Tsaka pinalipas ko 'yung three-month rule," aniya.

"Nung nakita ko siya, wala na din naman na kami nung ex ko noon. So para lang [malinaw], wala pong third party or anything. Tsaka nung nakita ko siya, sawi pa din ako dun sa isa. At alam din naman yun ni Ricci," pag-amin pa niya.

Ayon pa kay Andrea, maging siya ay nagulat nang mahulog ang loob niya kay Ricci dahil hindi umano niya ito type noon.

"Hindi po ako mahilig sa basketball player... Sabi kasi nila, manloloko. 'Yung mga ganyan. Kaya sabi ko, hindi na. Ayaw ko na nga ng another heartbreak," aniya. 

"Nung nakita kong nagpo-post siya sa prive IG [noon], magka-follow kami doon. Tungkol sa astrology, eh mahilig [din] ako doon. Sabi ko, 'Uy mahilig ka pala diyan.' Tapos sabi niya, 'Yeah.' Tapos hindi na ako nag-reply, nakalimutan ko."

Sa huli, iginiit ni Andrea na seryoso sila ni Ricci sa kanilang relasyon. Matatandaan na unang ginulat ng dalawa ang publiko sa kanilang pag-iibigan nang mag-propose si Ricci kay Andrea sa kanyang UAAP game sa Mall of Asia Arena noong Abril.