• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz talks about being happy with her three daughters’ close relationship with half-brother Diego Loyzaga.

Sunshine Cruz reveals how protective Diego Loyzaga is to her kids: ‘Pag merong manliligaw dudurugin daw niya!’

Sunshine Cruz talks about being happy with her three daughters’ close relationship with half-brother Diego Loyzaga.

Sunshine Cruz reveals how protective Diego Loyzaga is to her kids: ‘Pag merong manliligaw dudurugin daw niya!’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

06/09/2022 12:04 PM
Sunshine Cruz reveals how protective Diego Loyzaga is to her kids: ‘Pag merong manliligaw dudurugin daw niya!’
Photo credit to @sunshinecruz718 Instagram

As a proud mom, actress Sunshine Cruz said she is happy that her three grown daughters Angelina, Sam, and Cheska all have very distinct personalities. During their launch as Surge Fitness + Lifestyle ambassadors, the hands-on mom shared some of her daughters’ most charming qualities.

“Si Cheska ito yung baby. She’s 16. Siya yung baby pa rin for me. Bunso. Kamukhang kamukha ng tatay di ba? So very proud ako diyan at siya yung pinaka funny. Baby pa rin ‘to.

“Si Sam ito yung pinaka-maingay, very funny, malambing, outgoing. Sa sobrang outgoing every night gusto magpaalam sa akin. Dun ako nagiging magulang na may curfew at saka hindi always yes. Mag-e-18 na ‘to.


“Itong si Angelina ateng ate ito. Napakahinhin. Manang mana sa akin. Mabait. So pag pinagsama sama sila, makukulit talaga and ako kasi introvert so minsan sa sobrang ingay sa bahay nagpapaalam na ako at nagsasabi ako na dun na muna ako sa kuwarto ko kasi naiingayan ako. Pero pag wala naman sila na-mi-miss ko sila kasama kasi ang tahi-tahimik sa bahay,” she said during the Surge Fitness + Lifestyle flagship branch opening in Glorietta mall in Makati City. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

READ: Sunshine Cruz calls Diego Loyzaga the ‘best brother’ to her kids

After her eldest daughter Angelina formally joined showbiz in 2019, followed by second daughter Sam last year, Sunshine admitted she is aware that her kids are becoming even more popular than her especially on social media.

“Sa totoo lang, mas marami pa ngang likes nila, mga millennials nag-la-like, ang mga gen X tumitingin lang hindi masyado nag-la-like kaya sinasabi ko sa kanila, ‘Anak naman i-post niyo naman sa Instagram Stories yung picture ni mommy para may mag-like,’ (laughs). So ganun na ngayon talaga and I’m very, very happy and proud of my kids. All the time naman sobrang proud ako dito sa mga lumaking hindi lang matatalino at mababait at magaganda pa. Manang mana sa pinagmanahan (laughs),” she shared. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

READ: Sunshine Cruz shared why she is proud of boyfriend Macky Mathay’s recent election win

After posting on social media about her thoughts on Diego Loyzaga being the best kind of brother to her children, Sunshine revealed one example of their close relationship with their half-sibling with father Cesar Montano.

“Napakabait na bata ni Diego kaya nga mahal na mahal ng mga anak ko at mahal namin. Wala, he’s the best. Sobrang spoiled nung mga bata.

“Minsan nga ako pa yung nagsasabi na, ‘Anak, huwag niyo paggastusin ng paggastusin si kuya Diego. Dapat kayo rin nag-se-share kayo pag lumalabas.’ Pero sobrang spoiled yung mga bata to the point na ayoko, hindi ko gusto. Sabi ko nga, ‘Kayong mga bata kayo, kumikita na rin naman kayo. So minsan kayo naman yung manlilibre kay kuya.’

“So he’s very generous at saka sobrang protective sa mga anak ko. Pag merong manliligaw dudurugin daw niya yung mga mukha (laughs). Pero joke lang yun. It’s just a joke. Pero napakabait niya na kuya and sabi ko nga, misunderstood lang siguro ng iba pero the best. Wala na akong ibang ma-i-imagine na napakabuting kuya kundi si Diego para sa mga anak ko,” she revealed. 

READ: EXCLUSIVE: Sunshine Cruz on her three daughters: ‘Mas magaling pa sila maglagay ng makeup sa akin!’

Now that her daughters are all in their teenage years, Sunshine said she made sure to build a strong level of trust and respect with them even when it comes to their suitors.

“Kung meron silang manliligaw kailangan humarap sa akin. Gusto ko nakakausap ko, yung humaharap. Ayoko yung nakikita ko sila sa labas. That’s a no-no for me. Meron na. For now daw wala.

“Sobrang open ng communication namin ever since. Kasi yan ang deal namin sa isa’t isa nung nahiwalay. Of course gusto ko very open sila sa akin kesa sa kaibigan nila kasi bilang magulang gusto kasi natin yung makakabuti sa kanila. Siyempre pag may nangyari sa kanila ako din yung masisisi di ba? So mas mabuting maging totoo na lang kayo sa akin and ako naman game naman ako.

“Naiintindihan ko naman. 16 years old ako nun nililigawan na ako so hindi natin maaalis yan. Pero of course kailangan protektahan ko pa din sila and ayoko lang masira yung tiwala na binibigay ko sa kanila. Kasi sabi ko pag nawala yun, mahihirapan na kayong magpaalam sa akin,” she explained.