• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinuri rin ni Gerald Anderson ang masayang working environment kasama ang kaniyang co-stars.

Gerald Anderson, inalagaan si Ivana Alawi sa ‘A Family Affair’

Pinuri rin ni Gerald Anderson ang masayang working environment kasama ang kaniyang co-stars.

Gerald Anderson, inalagaan si Ivana Alawi sa ‘A Family Affair’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/09/2022 12:22 PM
Gerald Anderson, inalagaan si Ivana Alawi sa ‘A Family Affair’

Todo pag-aalaga ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kaniyang bagong leading lady na si Ivana Alawi sa upcoming Kapamilya series na A Family Affair.

Si Gerald at Ivana ay first time na magka-trabaho kung saan makakasama rin nila sina Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Sa teaser ng upcoming Kapamilya series, tila pasabog ang maiinit na eksena nina Gerald at Ivana na pumukaw sa atensyon ng netizens.


“Hindi malaswa ang mga love scenes ha, hindi siya malaswang panoorin,” paliwanag ng direktor na si Jerome Pobocan sa naging proseso ng love scene nina Ivana at Gerald.

Paliwanag ng direktor: “Steamy pero kasi bina-block ko nga sina Gerald and si Ivana at si Sam na mayroon rin love scenes. Sabi ko nga this is a dance, ang love scenes, pag ginawa siya sa screen, it’s a dance. May choreography siya, hindi siya bara-bara. So para maging maganda panoorin, so steamy. Dahil choreographed may teasing na nagaganap and I think magugustuhan ng mga manoood.”

Bukod sa steamy love scene sa teaser, mas naging mainit rin ang tanong ng entertainment media sa aktor kung paano nga ba niya inalaagan sa maiinit na eksena si Ivana.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

“Si Ivana is very professional and itong particular love scene na ito, mahirap ‘to para sa kanya. But it was very hard kasi medyo exposed siya in a way na mahirap siya bilang isang babae. And yun trabaho naming ni direk Jerome ‘yun na alalayan siya and make sure na  feel niya na safe siya,” ani Gerald.

Extra challenge rin para sa Kapamilya actor ang mga love scenes na hindi na rin aniya bago sa kaniyang trabaho.

“Bilang isang aktor, may mga naka ilang love scenes na rin ako ‘di ba? But it’s always a challenge na paano ibahin ‘to, paano ‘yung kahit na simpleng pagtingin sa kanya, kung paano yung aanuhin ko ang buhok niya or hahawakan ko ang balikat niya. Kailangan iba kung paano ko nagawa ko dati, kasi yun rin ang challenge pag medyo sunod-sunod ang trabaho. It’s always a challenge and siyempre ang audience natin they just want to sit down and enjoy so we want to give them ng ibang klaseng… ilangan,” ani Gerald.

Speaking of ilangan, masaya rin si Gerald sa magandang working environment kasama sina Sam, Jake, at Jameson sa kanilang lock-in tapings sa Masbate.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

“Great, sobra sobrang ganda ng pagsasama namin. Sobrang ganda ng camaraderie, on set and off set, lalo na kapag off set kasi nadadala namin pag on set. Nadadala namin kung paano kami nag-ta-trabaho so ‘yung bonding naming as friends, para na rin kasi kaming pamilya e. Magkakatabi ang mga kuwarto namin, umuuwi kami sa hotel after ng pack up, sabay-sabay kami kumakain. Mayroon kami mga bonding moments na nag-o-open up sa isa’t isa. Nag Masbate kasi kami and nakita niyo sa trailer na ang ganda ng Masbate. Mahina ang signal so kami-kami lang e, kami lang ang nakapag-uusap,” sambit ng aktor.

Swak din aniya ang personalidad nina Gerald at ng kaniyang co-actors na gaganap bilang kaniyang mga kapatid.

“And just the dynamics na kaming apat na magkakapatid sabi ko nga na parang magkakapatid talaga na si Sam ang panganay. Inaalayan namin si Jameson dahil challenging ang role niya dito at napakaganda ng role niya, so para kaming magkakapatid at ang ganda ng samahan kasama si Ivana na minsan parang one of the boys rin,” pahayag ng aktor.

Coming soon sa iba’t ibang Kapamilya platform ang A Family Affair.