• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘2 Good 2 Be True’ actress Gillian Vicencio talks about her experience playing a tomboyish character in the ongoing Kathniel rom-com.

EXCLUSIVE: Gillian Vicencio on working with Kathniel in ‘2 Good 2 Be True’: ‘Sobrang kinakabahan ako’

‘2 Good 2 Be True’ actress Gillian Vicencio talks about her experience playing a tomboyish character in the ongoing Kathniel rom-com.

EXCLUSIVE: Gillian Vicencio on working with Kathniel in ‘2 Good 2 Be True’: ‘Sobrang kinakabahan ako’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

06/07/2022 12:32 PM
EXCLUSIVE: Gillian Vicencio on working with Kathniel in ‘2 Good 2 Be True’: ‘Sobrang kinakabahan ako’
Photo credit to @_gillianvicencio Instagram

Currently playing the role of Tox, one of Daniel Padilla’s good friends and sidekick in the series 2 Good 2 Be True, Gillian Vicencio shared why her current project is the most special for her this year.

“Well this is my first rom-com serye. And ito yung first kong role na papunta talaga dun sa boyish side ng character. And exciting and also first ever teleserye ko kasi siya eh. Usually kasi yung mga nagagawa kong roles mabibigat yung dala dala ng character and first time ko ’t na medyo hindi ganun kabigat. So okay din.

“Masaya na ang dami kong nagagawang characters. To prepare for this project of course unang una siyempre binabasa talaga yung script pero ang daming adjustments na ginawa kasi hindi naman kami nagkaroon ng workshops, ganyan. So onting usap with direk Mae (Cruz-Alviar) tapos on the set na kami nag-a-adjust like with yung voice and actions, ganun,” she told PUSH in an exclusive interview. 


READ: Cast of new KathNiel series ‘2G2BT’ revealed

For her current role, Gillian shared that she embraced the role of the tomboyish Tox and even gamely shaved one side of her head to make the character more believable.

“Yung playing a role na ganun ka-boyish it’s my first time pero it’s not so different from Alex dun sa Four Sisters Before the Wedding and medyo boyish naman na talaga ako. In-extreme ko lang siya ng slight.

“Actually this is not my first time na magpa-undercut. Kasi sa Kargo nagpa-undercut din ako pero hindi ako nagpagupit ng hair. Kung ako talaga yung masusunod, mas gusto ko talaga yung dalawang undercut, yung parang Ruby Rose yung dating. Kaso siyempre, mahirap patubuin yun eh. Gusto ko naman talaga siya. Pumayag talaga ako,” she explained.

READ: Kathryn Bernardo fulfills dream of working with 'favorite actor' Ronaldo Valdez

In real life, the 21-year-old Star Magic artist shared why she found it easy wearing boyish clothes onscreen.

“Mas comfy kasi yung mga damit na pinipili ko. Kunwari crop top, joggers, ganun lang talaga. Kung saan ako kumportable. May mga piling araw lang talaga na nagbibihis ako ng sobrang ayos. Dun ako may mga events. Pero yung suot kasi ni Tox, medyo hindi naman ako ganun katindi. Pero okay lang sa akin. Comfortable din naman siya,” she explained. 

As for her working experience with 2 Good 2 Be True stars Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, Gillian revealed how intimidated she was during their first few taping days for the series.

“Nung una talaga, sobrang kinakabahan ako. Siyempre sila talaga yung iniidolo ko before, sila yung napapanuod ko. Tapos ngayon katrabaho ko na sila tapos madalas ko na sila nakakasama. Kaya sobrang saya. Yung kaba naging excitement talaga,” she recalled. 

Now that lock-in taping for the series has ended, Gillian revealed what she will miss most about working with her co-stars.

“Yung mga kulitan off-cam talaga. Kasi nakikita niyo naman sa mga unang episodes na lagi nila akong dinadaot, lagi nila akong pinag-ti-trippan na tatlo. So kahit off-cam may mga ganun talagang moments kaya sobrang saya lang ng set as in ang gaan ng energy. Parang naglalaro lang kami dun (laughs),” she added.