• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrity mom Ryza Cenon shares more about her motherhood journey in her latest social media post.

Ryza Cenon gives advice to moms about children’s tantrums: ‘'Wag natin silang pagalitan’

Celebrity mom Ryza Cenon shares more about her motherhood journey in her latest social media post.

Ryza Cenon gives advice to moms about children’s tantrums: ‘'Wag natin silang pagalitan’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

06/30/2022 10:31 AM
Ryza Cenon gives advice to moms about children’s tantrums: ‘'Wag natin silang pagalitan’
Photo credit to @iamryzacenon Instagram

As a first time mom who gave birth to her son Night in 2020, Ryza Cenon was thankful to her almost three-year break from showbiz which allowed her to focus on motherhood during the pandemic. The 34-year-old actress, who was last seen in ABS-CBN’s series The General’s Daughter, shared more about her parenting journey in her Instagram post last June 28. 

READ: Ryza Cenon marks first birthday of son Night


She wrote,

“Marunong na ba mag tantrums ang baby nyo?

“Si Night.. yes! Kaninang madaling araw bigla siyang nag tantrums ayaw mag pahawak, iyak ng iyak siguro kasi hindi nya mahanap yung tamang position niya. Madalas kasi niyayakap ko siya kapag nag tatantrums siya kanina ayaw niya ng hug ko. So ang sabi ko sa kanya, ‘Night kay dada ka mag pahug kapag kailangan mo na’.

“Yung yayakapin na siya ni Dada ayaw niya, gumapang siya papunta sa’kin tapos iyak pa rin ng iyak. Si Dada sasabihan niya dapat si Night pero pinigilan ko. Tapos kinausap ko ng mahinahon si Night, kinuha ko.. niyakap ko tapos tinanong ko sya anong problema? Habang hinihimas ko yung likod nya.. iyak lang ng iyak hanggang sa kumakalma na siya tapos sabi hug lang mommy kapag ganyan nararamdaman mo. Ok lang yan. Nagplay ako ng classical music, yung laging nyang pinakikinggan kapag mag sleep na siya. Hinihimas ko pa rin likod nya hanggang sa nakatulog na siya.”

Ryza has been known to share random thoughts on parenting with her followers on social media and this time, the pretty Kapamilya star gave some advice on how parents can react when their children have tantrums.

“Tips sa mga parents, kung nag tatantrums ang mga babies niyo… hayaan niyo muna sila, bigyan niyo ng space. Wag natin sabayan yung tantrums nila. Meaning wag natin silang pagalitan, pagsabihan, o sigawan. Kasi mga bata pa sila hindi pa rin nila naiintindihan yung nararamdaman nila. Ngayon pa lang nila na didiscover yung feelings or emotions nila.

“Kaya dapat kausapin natin sila ng mahinahon, tanungin natin kung ano kailangan nila o ano problema. Then explain ng maayos para mas maintindihan nila. At para na rin madala nila paglaki nila na kapag may mali or iba silang nararadaman, agad silang lalapit sa inyo para i-open kung ano man yung pinagdadaanan nila. Minsan kasi kaya nagtatago ng nararamdaman yung mga anak natin dahil natatakot sila na mapagalitan. Kaya matuto tayo maging mahinahon sa bawat sitwasyon pagdating sa mga anak natin.  ”

READ: Ryza Cenon ibinahagi ang mga takot na nararamdaman bilang first-time mom at sa offer ng MMK 

Night Cruz is the son of actress Ryza Cenon with her partner, cinematographer Miguel Antonio Cruz. Her son is turning two this coming November.