• Home
  • Fresh Scoops
  • Kitang-kita ang sweetness nina Kobe Paras at Erika Portunak sa mga litrato mula sa kanilang Bali trip.

Kobe Paras, ibinahagi ang mga litrato kasama ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak sa Bali, Indonesia

Kitang-kita ang sweetness nina Kobe Paras at Erika Portunak sa mga litrato mula sa kanilang Bali trip.

Kobe Paras, ibinahagi ang mga litrato kasama ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak sa Bali, Indonesia-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/29/2022 09:15 AM
Kobe Paras, ibinahagi ang mga litrato kasama ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak sa Bali, Indonesia
Photo credit to @_kokoparas Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato nina Kobe Paras at Erika Poturnak na kuha sa Bali, Indonesia at tila nagpapahiwatig sa tunay na estado ng relasyon nilang dalawa. 

Matatandaang marami ang nagulat sa dalawa matapos mag-post si Erika ng mga litrato nila ni Kobe na magkasama sa isang beach trip. 

Sa mga nasabing litrato na ibinahagi ni Kobe sa kanyang Instagram page, mas kapansin-pansin ang closeness ng dalawa lalo na sa dalawa sa sampung litrato na ipinost ni Kobe. 


READ: Anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak at Kobe Paras, magkasamang nagbakasyon

Sa isang litrato, makikitang nakasandal si Erika kay Kobe habang nakatingin sa malayo ang huli. Sa isa namang selfie ni Erika kung saan nakasuot siya ng isang pink bikini top, makikitang nakapatong ang ulo ni Kobe sa kanyang balikat. 

Tingnan ang mga litrato sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kobe (@_kokoparas)

Sa ngayon, wala pa ring kumpirmasyon sa totoong estado ng relasyon nilang dalawa ngunit maraming netizens ang naniniwala na ito ay hudyat na Instagram official na sila. 

Si Kobe Paras ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster habang si Erika Poturnak naman ay anak nina Ina Raymundo at Brian Poturnak .