• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Dennis Padilla na may mga bagay siyang pinagsisisihan pagdating sa relasyon niya sa kanyang mga anak.

Dennis Padilla, muling naglabas ng mensahe para sa mga anak: ‘I regret all the moments I let slip by’

Aminado si Dennis Padilla na may mga bagay siyang pinagsisisihan pagdating sa relasyon niya sa kanyang mga anak.

Dennis Padilla, muling naglabas ng mensahe para sa mga anak: ‘I regret all the moments I let slip by’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/29/2022 09:55 AM
Dennis Padilla, muling naglabas ng mensahe para sa mga anak: ‘I regret all the moments I let slip by’
Photo credit to @dennisastig Instagram

Naglabas muli ng isang mensahe si Dennis Padilla sa social media para sa kanyang mga anak kasunod ng inilabas na pahayag ng anak niyang si Leon Barretto tungkol sa kaniyang relasyon sa kanilang magkakapatid.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Dennis ang isang sulat-kamay na mensahe kung saan inilahad niya kung gaano kahalaga sa kanyang pagiging ama sa kanyang mga anak. 


Ani Dennis, maituturing niya itong “greatest honor.” 

“It allowed me to touch the grace of God even for a moment and to see my love made flesh," ani ng komedyante. 

Aminado naman si Dennis na pinagsisisihan niya ang mga kasalanang nagawa niya sa kanyang mga anak. 

READ: Leon Barretto steps up to protect sisters from Dennis Padilla’s ‘false narratives’; admits getting traumatized with hurtful words

"I have regretfully made mistakes in my life. I may not have been there for you but I always had you in my heart,” ani Dennis. 

Sinabi niyang ring alam niyang may mga bagay na hindi madaling maintindihan. 

“Sometimes, in life, there are things that we will never understand why it happened,” ani Dennis. 

Gayunpaman, pinagsisisihan niya ang mga bagay na hinayaan niyang mawala at mga pagkakataong tinago niya ang nararamdaman niya para sa kanila. 

"I regret all the moments I let slip by. I regret all the times I hid my feelings from you," saad pa niya. 

"If only I could have but one wish, I would love to spend some time with you. After all, there is not much more to life than that,” dagdag pa niya. 

READ: Dennis Padilla, may sagot sa anak na si Leon

Nagsimula ang lahat matapos maglabas ng patutsada si Dennis sa social media sa umano’y pagkalimot ng mga anak niyang sina Leon, Claudia, at Julia na batiin siya nitong nagdaang Father’s Day.  

Sina Leon, Claudia, at Julia ay mga anak ni Dennis Padilla sa dati niyang asawa na si Marjorie Barretto.