• Home
  • Fresh Scoops
  • Napagastos ng malaki si Vice Ganda sa anak ni Ethel Booba matapos nitong sumabak sa Can’t Say No Challenge.

PANOORIN: Vice Ganda, ‘nabudol’ ni Ethel Booba

Napagastos ng malaki si Vice Ganda sa anak ni Ethel Booba matapos nitong sumabak sa Can’t Say No Challenge.

PANOORIN: Vice Ganda, ‘nabudol’ ni Ethel Booba-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/28/2022 02:21 PM
PANOORIN: Vice Ganda, ‘nabudol’ ni Ethel Booba
Screenshot from Vice Ganda YouTube Channel

Halos maiyak si Vice Ganda sa kanyang ginastos matapos sumabak sa Can’t Say No Challenge ni Ethel Booba. 

Ani Ethel, bumabawi lang siya kay Vice lalo pa’t dalawa’t-kalahating taon na umano ang hinintay nila ng kanyang anak na si Michaela. 

Si Michaela ay anak ni Ethel sa kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar at inaanak ni Vice. 


“Two and a half years na, ‘te. Major sponsor ka nito,” biro ni Ethel kay Vice.

“Kunin mo ‘yung mga mahal ‘nak ha,” saad ni Ethel sa anak niyang si Michaela. 

Nagdadalawang isip pa si Vice noong una lalo pa’t  alam niyang malaki ang gagastusin niya rito dahil nakanood na siya nang parehas na challenge noon. 

Unang pinuntahan nina Vice ang isang kilalang toy store kung saan hinayaan niyang mamili si Michaela ng mga gusto nitong laruan. 

Hindi naman makapaniwala si Vice nang malaman niya na umabot sa mahigit 124,000 ang babayaran niya. 

“Binyag nga 124,000 ‘yung ginastos ko, paano pa kung ako ‘yung mismong tatay niyan. Bawasan mo ‘yung 24, ‘yung 100 magtatrabaho muna ako next week,” aniya. 

Sunod namang pinuntahan nina Ethel, Vice, at Michaela ang isang sikat na fashion store. 

Tumulong si Vice sa paghahanap ng damit ni Michaela. 

Ngunit hindi inasahan ni Vice na aabot ng halos dalawang daang libo ang babayaran niya. 

READ: Vice Ganda, Ethel Booba at iba pa, kapit bisig para tulungan ang mga stand-up comedians

“192,000? Sabi mo magpapabili ka lang ng t-shirt. Ano’ng 192,000 babayaran ko?” saad ni Vice. 

“Ikaw naman kasi pili ka nang pili. Lahat ng color kinuha mo eh,” sagot ni Ethel kay Vice. 

“Hindi naman ganun ang halaga ng friendship natin. Friendship natin tag-2,500 lang. Ano’ng 192,000? Wala naman tayong malalim na pinagsamahan, ba’t ako magbabayad ng 192,000?” ani pa ni Vice. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

May pabirong hirit pa si Vice kay Ethel na sinabing mas gusto niya ang konti lang ang kaibigan niya. 

“Tumatawag na ‘yung bangko. Woooh. Hirap makipagkaibigan. Kaya gusto ko talaga small circle lang eh. Ayoko talaga ng maraming kaibigan. Tapos ‘yung kaibigan mo manganganak pa, kukunin kang ninong tapos ipapaako ‘yung mga obligasyon nila sa buhay,” ani Vice. 

“Samantalang noong ginawa nila ‘yung bata, sila lang naman nag-enjoy. Tapos ngayong lumalaki ‘yung bata, ako ang gagastos. Sana man lang nanilip man lang ako habang binubuo nila ‘yung bata,” dagdag pa niya.