• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila hindi maiaalis kay Joem Bascon ang mga patuloy na paghahambing sa kanya kay Piolo Pascual.

Joem Bascon, pinuri ang friendship kay Piolo Pascual

Tila hindi maiaalis kay Joem Bascon ang mga patuloy na paghahambing sa kanya kay Piolo Pascual.

Joem Bascon, pinuri ang friendship kay Piolo Pascual-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/28/2022 01:56 PM
Joem Bascon, pinuri ang friendship kay Piolo Pascual

Isa ang Kapamilya actor na si Joem Bascon sa mga aabangan na karakter sa Kapamilya series, ang Flower Of Evil na pangungunahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Sa naganap na media conference ng bagong Kapamilya series, kinumusta  kay Joem ang kaniyang working experience with Piolo na isa sa mga laging ikinu-kumpara sa aktor.


“Masaya, I mean ilang years na rin ako sa showbiz, andito pa rin ako kahit na andyan pa rin ‘yung sinasabing kamukha (si Piolo Pascual) basta gawa lang ng gawa ng trabaho, kasi hindi naman matatapos ‘yun e,” sambit ng aktor sa entertainment press.

Ayon kay Joem, sa loob ng 17 taon niya bilang isang aktor, isa si Piolo sa mga markadong bituin na kaniyang naka-sama sa kaniyang pagsisimula.

“17 years-and I am happy kasi isa si Piolo doon sa mga unang naka-trabaho ko noong nag-start ako so, getting here na maka-trabaho ko siya, maging barkada, maging kaibigan masayang masaya ako, kasi alam mo ‘yon at the end of the day, kahit anong gawin namin sa set, ganito pa rin kami, makukulit pa rin kami.”

Pagdating naman sa kaniyang trabaho bilang isang aktor, hindi aniya napapagod ang aktor na bigyang buhay ang iba’t ibang karakter.

“No. Sa akin kasi noong nag star ako, after kong gumawa ng pelikula, gusto kong maging actor and I wanted to do different roles, I wanted to learn different characters, different personalities, ganun nga e ‘yung trabaho namin,” paliwanag ni Joem.

Patuloy pa ng aktor, hindi rin aniya mababago ng mga pagko-kumpara ang kaniyang dedikasyon sa trabaho bilang isang artista.

“Hindi ka natitigil sa isang character lang after ng isang karakter mo, gagawa at gagawa ka pa ng iba, kundi man buhay ng tao, bagong karakter ng tao. Hindi siya choice para malayo doon sa news or sa mga nagsasabi na kamukha ko si Piolo, it’s more of a gusto ko lang umarte talaga. Same same but different,” pahayag ni Joem.

Mapapanood ang Flower Of Evil sa Viu, Kapamilya Channel at A2Z.