• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ng bagong Idol Philippines judge na si Chito Miranda ang sikreto sa tagumpay ng kanyang banda na Parokya Ni Edgar.

Chito Miranda, ibinahagi ang sikreto sa tagumpay ng Parokya Ni Edgar

Ibinahagi ng bagong Idol Philippines judge na si Chito Miranda ang sikreto sa tagumpay ng kanyang banda na Parokya Ni Edgar.

Chito Miranda, ibinahagi ang sikreto sa tagumpay ng Parokya Ni Edgar-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/28/2022 05:00 PM
Chito Miranda, ibinahagi ang sikreto sa tagumpay ng Parokya Ni Edgar
Photo credit to @chitomirandajr Instagram

Ibinahagi ng bagong Idol Philippines judge na si Chito Miranda ang sikreto sa tagumpay ng kanyang banda na Parokya Ni Edgar.

Para sa mang-aawit, ito ang matatag na pagkakaibigan nila ng kanyang mga kasamahan sa grupo na sina Buwi, Darius, Gab, Dindin, at Vinci. 

"Kumbaga, we're stronger as a team. Pero more than that, we're really friends ng mga kabanda ko. More than being musicians, magkakaibigan talaga kami. That's why we never argued about music. Because we just love being in a band, we just love being a part of Parokya," paliwanag ni Chito. 

"Hindi tulad ng ibang bands they’re, primarily, musikero first eh. So if they outgrow each other musically, natural lang na maghiwalay sila kasi hindi na sila magkakasundo sa music," sabi pa niya. "With us, music is secondary. Barkada lang muna kami lahat."

"And we just love each other talaga as friends. Sanay kami na iba iba 'yung ugali namin and we respect that, so walang problema."

READ: Kean Cipriano, inamin na hindi na siya bahagi ng Callalily

Matapos ang halos tatlong dekada, kilala na ang Parokya Ni Edgar bilang isa sa mga pinakasikat at matagumpay na banda sa mundo ng OPM. 

Ilan lamang sa mga sikat na awitin ng grupo ay ang "Gitara", "Your Song", "Halaga", "Bagsakan", "Harana", at "Pangarap Lang Kita."

Samantala, nagbahagi rin si Chito tungkol sa kanyang bagong stint bilang judge sikat na singing competition na Idol Philippines.

"Sa totoo hindi ako naglagay ng hulma or pattern kung ano 'yung hinahanap ko eh. Kung sino man 'yung mapili or 'yung makapasok, gusto namin talagang undeniably, someone who can clean the stage and own it, and someone na gusto mong panoorin, regardless kung anong genre or style or characteristics," ani Chito.

Ayon sa mang-aawit, para maging isang Idol, "kailangan you stick to your guns. Pakinggan mo 'yung sarili mo more than anyone, but at the same time hoping ka to learn.

"So kung papaano mo i-balance 'yun, doon ka magiging idol. You have to learn from others but at the same time hindi mo pwedeng i-compromise kung sino ka. So 'yun 'yung mix na gusto kong makita as an Idol."

Kasama ni Chito bilang judge sa bagong season ng Idol Philippines sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, at Moira dela Torre. 

Napapanood ang Idol Philippines tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at TV5.

Panoorin ang buong episode ng PUSH Bets Live dito: 

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.