• Home
  • Fresh Scoops
  • May reaksyon si Dennis Padilla sa open letter na inilabas ng kanyang anak na si Leon sa dating asawa nito na si Marjorie Barretto.

Dennis Padilla, may sagot sa anak na si Leon

May reaksyon si Dennis Padilla sa open letter na inilabas ng kanyang anak na si Leon sa dating asawa nito na si Marjorie Barretto.

Dennis Padilla, may sagot sa anak na si Leon-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/27/2022 01:16 PM
Dennis Padilla, may sagot sa anak na si Leon
Photo credit to @theleonbarretto and @dennisastig Instagram

May reaksyon si Dennis Padilla sa open letter na inilabas ng kanyang anak na si Leon sa dating asawa nito na si Marjorie Barretto.

Matatandaan na sa nasabing open letter, naglabas ng kanyang saloobin si Leon laban sa ama matapos na kwestyunin ni Dennis ang tila paglimot sa kanya nito, at ng mga kapatid na sina Julia at Claudia, noong Father's Day. 

"Sorry if I wasn't able to greet you a 'Happy Father's Day.’ It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year," pahayag ni Leon. 

"For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?

"It's not that we don't want to talk to you. But the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us."

READ: Leon Barretto steps up to protect sisters from Dennis Padilla’s ‘false narratives’; admits getting traumatized with hurtful words

Sa kanyang pahayag ay ipinagtanggol din ni Leon ang kanyang mga kapatid sa aniya ay "false narratives" o maling salaysay na patuloy umanong inihahayag ni Dennis laban sa mga anak. 

"For years, I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in public. It's exhausting, Papa," ani Leon.

"Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, Papa."

Sa naging sagot ni Dennis nitong Lunes, Hunyo 27, agad na humingi ng tawad ang aktor sa anak at sinabing nami-miss niya lang ito at ang kanyang mga kapatid.

"I am sorry Leon... Miss ko lang kayo... God bless you more!" aniya.

Gayunpaman, may hirit ang aktor sa anak patungkol sa ilan sa mga naging pahayag nito sa kanyang open letter.

"Just want to know what false narrative I said in public? I've been reaching out to all of you for 15 years in private," ani Dennis.

READ: Dennis Padilla on reconnecting with daughter Julia Barretto: ‘Nagsisimula pa lang kami’

Samantala, nauna nang sinabi ni Leon sa kanyang open letter na hiling niya ang pagkakayos nilang magkakapatid sa kanilang ama.

"I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, Papa," ani Leon.

"I long for the day when I can greet you a 'Happy Father's Day’ and know that it comes from a place of gratitude and healing," sabi pa niya.