• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Tuesday Vargas na pagod at sakripisyo ang kanyang ibinuhos para lamang makuha ang mayroon siya ngayon.

Tuesday Vargas, inalala ang buhay niya noon: ‘Batang palengke talaga ako’

Sinabi ni Tuesday Vargas na pagod at sakripisyo ang kanyang ibinuhos para lamang makuha ang mayroon siya ngayon.

Tuesday Vargas, inalala ang buhay niya noon: ‘Batang palengke talaga ako’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/25/2022 03:12 PM
Tuesday Vargas, inalala ang buhay niya noon: ‘Batang palengke talaga ako’
Photo credit: @tuesday_v Instagram

Hindi napigilan ng komedyanteng si Tuesday Vargas na maging emosyonal sa social media nang ibahagi ang buhay niya noon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Tuesday ang isang litrato kung saan ipinakita nito ang pinamili niya sa isang membership shopping club. 


Dito, inalala niya ang kanyang buhay noon bago niya pasukin ang mundo ng showbiz at simulan ang kanyang pagnenegosyo. 

Paliwanag ni Tuesday, hindi umano niya ito ipinost para magyabang kundi para maka-inspire ng ibang tao. 

Aniya, nagdadala umano siya ng calculator tuwing namimili siya sa grocery para masigurong pasok sa kanyang budget ang kanyang mga bibilhin. 

“Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget,” ani Tuesday. 

BASAHIN: Tuesday Vargas celebrates 40th birthday with photo shoot

Pagbabahagi pa niya, nakakatikim lang siya ng mga imported goods tuwing nagpapadala ang nanay niya sa kanya. 

“Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club. Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag-anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong,” ani Tuesday. 

Pag-amin pa ni Tuesday, lumaki siyang bumibili sa palengke. 

“Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang,” aniya. 

Ngunit ani Tuesday, nagbunga ang kanyang pagsusumikap sa trabaho at pagnenegosyo at unti-unti nang nakabili ng mga mga mamahaling bagay. 

BASAHIN: Tuesday Vargas on keeping busy during a pandemic: ‘Only boring people are bored’

“Pero dahil masipag ako (as in ilan ang trabaho ko) at dahil sa paycheck ko sa business namin ng essential oils, nakakayanan kong mag tabi para maka bili ng healthy na mga pagkain,” aniya. 

Dagdag pa niya: “Aba ang mahal pala ng mga organic, grass fed chururut. Pero mas mainam kasi kung makaka iwas ka sa sakit in the long run, kailangan mag invest tayo sa katawan natin.”

Tingnan ang post ni Tuesday sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)

Inamin ni Tuesday na hindi lamang ito simpleng bagay lalo pa’t pagod at sakripisyo ang ibinuhos niya para rito. 

“Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera,” saad ni Tuesday. 

“Siguro marami sa inyo ang makaka relate dito. Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napakalaking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko. Salamat universe for the blessings. Wish ko po lahat ng tao biyayaan nyo din. Amen,” dagdag pa niya.