• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Yolly Yebes kung paano nagparamdam sa kanyang si PNoy.

PNoy, nagparamdam umano sa dating kasambahay

Ibinahagi ni Yolly Yebes kung paano nagparamdam sa kanyang si PNoy.

PNoy, nagparamdam umano sa dating kasambahay-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/24/2022 06:58 PM
PNoy, nagparamdam umano sa dating kasambahay
Photo credits: Jing Castaneda's YouTube video

Inamin ng kasambahay ng tatlumpung taon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na nagpaparamadam sa kanya ang yumaong presidente na mas kilala bilang PNoy. 

Sa panayam ni Yolly Yebes kay Jing Castañeda, ibinahagi nito kung paano nagpaparamdam sa kanya ang dating pangulo. 


“[Lumalabas] naman po sa panaginip. ‘Yung pagpaparamdam naman, nitong recently lang. Ewan ko kung siya ‘yun ha pero nagpatay siya ng electric fan sa kitchen and may nag-off,” ani Yolly. 

“Tumingin ako akala ko ‘yung mga boys niloloko ako. Pero wala. Mag-isa lang ako. Tiningnan ko ‘yung electric fan tapos in-on ko ulit. Sabi ko ‘Sir, alam ko naman nandito ka lang,’” dagdag pa niya. 

Inamin naman ni Yolly na nakikita niya ang mukha ni PNoy tuwing napapaniginipan niya ito.

“Natutuwa ako tuwing nakikita ko siya sa panaginip,” pagbabahagi ni Yolly. 

Ikinuwento din ni Yolly ang sinasabi niya kay PNoy tuwing nagpaparamdam ito sa kanya.

“Ang sabi ko na lang ‘Sir, ‘wag kang mag-alala. Nandito pa rin ako.’ Tsaka ang naisip ko, nandito lang talaga siya sa bahay,” aniya. 

READ: Official statement of Aquino family on passing of former president Benigno ‘Noynoy’ Aquino

Nang tanungin siya kung ano ang pinakanamimi-miss niya dito, sagot ni Yolly: “Ang pag-aalaga ko kay Sir magmula noong una hanggang ‘yung nangyari sa kanya.” 

Dagdag pa nito: “‘Yung bumibili ako ng pagkain sa palengke, kung ano ‘yung gusto niya, magsasabi siya, ‘yun binibili ko.”

Inilarawan din ni Yolly si PNoy bilang isang simpleng tao kahit nang maupo na ito bilang presidente.

Ika-24 ng Hunyo taong 2021 nang pumanaw si PNoy. Nagsilbi naman siya bilang pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.