• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘It’s been a while, it feels different, but I’m excited,’ ani Kim Chiu sa nakatakdang pagsasama muli nila ni Xian Lim sa pelikula.

Kim Chiu, excited sa reunion film nila ni Xian Lim

‘It’s been a while, it feels different, but I’m excited,’ ani Kim Chiu sa nakatakdang pagsasama muli nila ni Xian Lim sa pelikula.

Kim Chiu, excited sa reunion film nila ni Xian Lim-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/23/2022 11:25 AM
Kim Chiu, excited sa reunion film nila ni Xian Lim
Photo credit to @dimplesromana Instagram

Excited na ang aktres na si Kim Chiu sa muling pagsasama nila ng nobyo niyang si Xian Lim sa big screen.

Sa Instagram, ibinahagi ng It's Showtime host ang kanyang excitement para sa reunion film nila ni Xian na pinamagatang Always.

"Mukha ng nagkakahiyaan!!! It's been a while, it feels different, but I'm excited. I guess this is how it feels acting with you after so many years!" ani Kim.


Pinasalamatan din ng aktres ang Viva Films at ang direktor ng kanilang pelikula na si Dado Lumibao.

"Thank you @viva_films. Miss being in this field so much. Thanks again! First day feels nangangalawang [na] me. Lels thanks for the patience direk @dadolumibao," ani Kim.

"Looking forward for people to see this movie."

Una nang kinumpirma ni Xian nitong Lunes, Hunyo 20, ang muling pagsasama nila ni Kim sa pelikula.

READ: Kim Chiu, Xian Lim to reunite in movie

2015 pa nang huling nagsama ang dalawa sa big screen sa romance-comedy film na All You Need Is Pag-Ibig.

Gayunpaman, bumida sila sa sikat na ABS-CBN teleserye na Love Thy Woman nito lamang 2020.

Sa ngayon ay wala pang ibang impormasyon na inilalabas tungkol sa reunion film nina Kim at Xian, kabilang na ang cast nito, plot, at premiere date.