• Home
  • Fresh Scoops
  • All eyes ngayon ang maraming followers ni Heart Evangelista sa kaniyang upcoming and future projects.

Heart Evangelista, babalik na nga ba sa acting?

All eyes ngayon ang maraming followers ni Heart Evangelista sa kaniyang upcoming and future projects.

Heart Evangelista, babalik na nga ba sa acting?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/23/2022 03:26 PM
Heart Evangelista, babalik na nga ba sa acting?

Bukod sa sunod-sunod na international fashion show invites, bagong journey ngayon as a CEO ang focus ng actress and fashion icon na si Heart Evangelista.

Kasama ang malalapit na kaibigan, binuksan ni Heart ang kaniyang first flagship store ng Pure Living Beauty Company kung saan makakabili ng iba’t ibang beauty and wellness products.

Ayon kay Heart, despite her busy schedule traveling around the world, hindi pa rin siya natitigil sa pag-tuloy sa kaniyang mga pangarap.


“I have a lot of dreams, goals and I don’t think anything can stop me and I will do my best to make sure that I don’t have anything ‘what ifs in life’ and thank you nag wo-work out naman siya,” ani Heart sa panayam.

At kahit na tutok sa kaniyang personal dreams, happy si Heart sa all out support ng kaniyang mister na si Senator-elect Chiz Escudero.

“I think if there’s anything that I have established is [that] we both lived separate like career paths and we respect each other’s space and time in what we need to do. So I guess that’s why we also grow in terms of our careers our personal stuff that we’d like to do for ourselves and that’s very important. The best support I guess would be ‘pag kailangan niya ako andyan ako and hopefully ganun din siya para sa akin,” paliwanag ng aktres.

Napag-usapan rin kung may plano na ba si Heart na muling bumalik sa pag-arte sa telebisyon o sa pelikula.

“For now parang wala,” mabilis na tugon ni Heart. “For now parang wala pa. I am really enjoying what I do. Para akong nakatikim ng you know, I got to see different world and I really enjoy it and this world is really expressing yourself.”

Paliwanag pa ng aktres, masaya rin siya sa kaniyang role ngayon bilang isang social media influencer. “You’re not playing a character. You’re yourself and it’s your job to be that. Parang it’s fun.”

At kahit na laging nakikita na maganda siya sa kaniyang mga posts sa social media, inamin rin ni Heart na mayroon rin siyang off days.

“Of course,” ani Heart. “Of course there are days na you don’t feel beautiful. There are days that whether you feel for yourself or you feel it from other people. But you know sa dami ng pinagdaanan ko na sa buhay ko, I think I owe it to myself to know whether [or not] I look good or [if] physically I am not nice looking.”

From her experiences, ibinahagi rin ni Heart kung paano niya rin ito pinapalagpas.

“But I know my heart and I think that should shine brighter and that should make you more beautiful. So siguro ‘yun I just try to look within and the rest follows.”

Para naman sa mga nag-aabang ng next trip abroad ni Heart, nagbigay update rin dito. “My next trip again will be fashion week, I’ll be also shooting an ad for a Paris brand.”

Bukod pa sa international ad campaign, nagbigay teaser rin si Heart sa kaniyang magiging appearance sa hit reality TV show na Bling Empire.

“I just did a small appearance kasi hindi ko rin kaya mag-stay ng matagal,” patikim ni Heart.

Dahil sa kaniyang busy schedule, inamin rin ni Heart na hindi niya pa kaya ibigay ang kaniyang sarili to commit para sa isang project.

“I actually did a film and they wanted me to film again but hindi kasi kaya ng schedule. So it’s really a choice kung kaya mong gawin ng three months or hindi and I am not really sure if I can do that,” pahayag ni Heart.