• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang linggo lamang matapos kumpirmahin na nagde-date sila, tila wala na ang aktor na si Diego Loyzaga at dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate na si Franki Russell.

Diego Loyzaga at Franki Russell, in-‘unfollow’ ang isa’t isa sa Instagram

Ilang linggo lamang matapos kumpirmahin na nagde-date sila, tila wala na ang aktor na si Diego Loyzaga at dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate na si Franki Russell.

Diego Loyzaga at Franki Russell, in-‘unfollow’ ang isa’t isa sa Instagram-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/23/2022 10:30 AM
Diego Loyzaga at Franki Russell, in-‘unfollow’ ang isa’t isa sa Instagram
Photo credit to @_barbieliciouss Instagram

Ilang linggo lamang matapos kumpirmahin na nagde-date sila, tila wala na ang aktor na si Diego Loyzaga at dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell.

Ito ay kasunod nang pag-unfollow ng dalawa sa isa't isa sa social media na na agad napansin ng kanilang fans.

Bukod dito ay tila nagpahiwatig din si Diego sa kanyang post sa Instagram Stories patungkol sa status nila ni Franki.

“What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth," basa ng kanyang post.

Matatandaan na nito lamang Mayo nang unang na-link sa isa't isa ang dalawa, kasunod ng pagbati ni Franki kay Diego sa Instagram para sa kaarawan nito.

Noong una ay itinanggi ng aktor na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Franki. Ngunit kalaunan ay inamin din niya na nagdi-date sila sa kanyang panayam sa Monster RX93.1 nitong Hunyo.

“I am a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things, you don’t expect it. It just really just comes along. Ever since meeting up with her and hanging out with her, it hasn’t stopped. We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating,” aniya.

READ: Diego Loyzaga, itinangging may namamagitan sa kanila ni Franki Russell

READ: Diego Loyzaga, ikinuwento kung paano naging malapit kay Franki Russell

READ: Barbie Imperial reacts to Diego Loyzaga’s statement on cheating

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita sina Diego at Franki tungkol sa bali-balitang ito na wala na sila.