• Home
  • Fresh Scoops
  • Dinipensahan ni Madam Inutz ang kanyang nobyo na macho dancer.

Madam Inutz proud sa BF na macho dancer; iginiit na di siya gumagastos sa lalaki

Dinipensahan ni Madam Inutz ang kanyang nobyo na macho dancer.

Madam Inutz proud sa BF na macho dancer; iginiit na di siya gumagastos sa lalaki-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/21/2022 01:28 PM
Madam Inutz proud sa BF na macho dancer; iginiit na di siya gumagastos sa lalaki
Photo credit to @daisyinutz Instagram

In love ngayon sa isang macho dancer na nagtatrabaho sa gay bar si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay.

Tantan ang tawag ni Madam Inutz sa kanyang boyfrend. Nakilala niya ito sa pinagtatrabahuhan nitong gay bar na pag-aari ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Iba-iba ang reaksyon ng netizens sa social media sa love life ng dating Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate. Hiindi naiwasan ng ilang netizens na laitin at husgahan ang kanyang macho dancer boyfriend. Ang iba naman ay winarningan si Madam Inutz na baka gamitin lang siya ng lalaki.


Kaagad namang dinepensahan ni Madam Inutz ang kanyang boyfriend at sinabing nasasaktan siya sa panghuhusga ng mga tao sa kanyang boyfriend.

“Wala tayong karapatan… Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganu’n karumi, is ganu’n klase ng trabaho, kumbaga, peperahan ka na,” depensa ni Madam Inutz sa kasintahan.

“Alam n’yo naman si Madam Inutz is nagtatrabaho din sa bar, naging entertainer din ako. Pero nakita niyo kung gaano kalaki yung puso at saka pagtingin ko sa pamilya. So, ganoon kami ni Tantan. Kumbaga, nagkaroon kami ng similarity,” patuloy ng online seller at komedyante

READ: Sasakyan ni Madam Inutz, wasak sa isang aksidente

Idinagdag din ni Madam Inutz na hindi dapat ikahiya kahit pa anong trabaho ng kanyang magiging karelasyon.

Sabi pa niya, “Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya. So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala.

“Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan. At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya.”

Nagbigay din ng reaksyon ang komedyante sa nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend at ginagamit lang siya nito.

“Hindi po tayo gumagastos sa lalaki. Nagkataon lang na kaming dalawa, mayroong similarity.

“Hindi ako ganoon kabobo, hindi ako ganoon kagago, or hindi ako ganoon katanga para magpagamit. Siguro naman nasa tamang edad na ako,” pagdidiin niya.

Dagdag ulit niya, “Baka kasi iniisip niyo sobrang pagkatanga ko, hindi ko muna kinikilala yung tao. At the moment, ini-enjoy namin yung kung ano yung samahan naming dalawa.”

READ: Madam Inutz, naging emosyonal nang ibahagi ang kanyang pinagdaanan sa buhay: ‘Look at me now’

Sinagot din ng BF ni Madam Inutz ang akusasyon ng bashers na bading daw siya.

“Hindi ako bayot, hindi ako bading, hindi ako paminta… Lalaki ako. Straight 100 percent. Di naman ako nagi-guilty kasi hindi naman totoo,” paliwanag ni Tantan.

“Suporta ang kailangan ko, hindi panghuhusga,” pakiusap naman ng PBB housemate.

Sa Facebook account ni Madam Inutz ay ipinakita nito kung gaano siya kasaya kapag kasama ang kasintahan.

“BLOOMING MADAM NYO AT NGITING TAGUMPAY‼ ANG SHERAAAP DIN NG FOOD BASTA GWAPO KASABAYAN MONG KUMAIN‼ OOOW… JIIIIEVA. NAMOKA WALA PANG HADA SI MADAM NYO‼ MGA INUTIIIIL!” post  ni Madam Inutz sa FB.