• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang mga anak ni Nora Aunor ang tumanggap ng National Artist award para sa kanya dahil may sakit ito.

Lotlot de Leon nakipag-ayos kay Nora Aunor, binantayan ang inang may sakit

Ang mga anak ni Nora Aunor ang tumanggap ng National Artist award para sa kanya dahil may sakit ito.

Lotlot de Leon nakipag-ayos kay Nora Aunor, binantayan ang inang may sakit-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/21/2022 03:04 PM
Lotlot de Leon nakipag-ayos kay Nora Aunor, binantayan ang inang may sakit
Photo credit to @ms.lotlotdeleon Instagram

May karamdaman ang multi-awarded actress at tinaguriang Superstar ng showbiz na si Nora Aunor. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa Malacanang Palace noong June 16 para tanggapin ang plake ng pagkilala bilang National Artist for Film.

Hindi raw pinayagan ng doctor si Nora na dumalo sa conferment dahil sa sakit nito kaya ang apat na anak na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth ang nag-proxy dito para tanggapin ang plake.

Hindi rin nakasama ng apat na magkakapatid si Lotlot dahil ito raw ang nagbabantay sa kanilang ina.


“Diretso na kaming magde-deliver kay mommy ngayon ng kanyang plaque. Sa mga fans, sobrang salamat po sa inyo sa pagmamahal po ninyo sa mommy namin na walang katapusan. Thank you, thank you so much po sa inyo. Mahal po namin kayo,” sabi pa ni Matet sa interview noong araw na tinanggap nila ang plake para sa ina.

READ: Nora Aunor, pinasalamatan ang mga taong ipinaglaban siya para maging National Artist

Wala namang ibinigay na detalye ang malalapit kay Ate Guy kung ano ang kanyang karamdaman. Wala ring pahayag kung paano nagkaayos sina Lotlot at Ate Guy na matagal nang merong alitan na matatandaang nag-ugat sa pagkakaroon ng relasyon ng Superstar sa rapper-singer na si John Rendez.

Si Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth ay hindi mga biological children ni Nora. Bukod tanging si Ian de Leon lang ang galing sa sinapupunan ni Nora na naging bunga ng pagsasama nila ni  Christopher de Leon.

Ayon kay Lotlot sa kanyang previous interview, hindi naman niya naramdaman na isa siyang ampon sa simula pa lang at kahit ipagtapat na sa kanya ng Superstar ang tungkol dito.

“I have always accepted that I was adopted because I didn't feel... Mommy didn't treat me differently from how she treated Ian.

“Even my dad, Daddy Boyet, he never treated me less than he treated Ian. Kumbaga, kung paano nina mahal si Ian ganu'n din ang naramdaman ko na pagmamahal nila sa akin. So hindi ko naramdaman na iba ako sa kapatid ko,” wika pa niya.

READ: Vilma Santos nagpupugay kay Nora Aunor at sa mga bagong national artist: ‘I sincerely congratulate all of them’

Binigyan din siya ng pagkakataon ni Ate Guy na makilala ang kanyang biological parents.

Anyway, may tribute para kay Nora Aunor at sa iba pang hinirang na mga bagong National Artist sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa June 29 at inaasahan ang pagdalo dito ng Superstar.