• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas mature na tunog din ang goal ni Darren Espanto para sa kanyang music.

Darren Espanto ginulat ang netizens sa bagong image

Mas mature na tunog din ang goal ni Darren Espanto para sa kanyang music.

Darren Espanto ginulat ang netizens sa bagong image-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/20/2022 10:52 AM
Darren Espanto ginulat ang netizens sa bagong image
Photo credit to @darrenespanto Instagram

Ibang-iba na ang itsura ngayon ng dating The Voice Kids finalist na si Darren Espanto. Unti-unti nang natutupad ang sinasabi niya noon na gusto niyang makita ng mga tao ang “a different Darren.” Ang paglabas ng kanyang mga shirtless photos ang patunay daw nito.

“We started doing this po last year when I got back from Canada. Pagbalik ko po ng March, my team and I sat down and we decided na it’s time to kind of showcase a different Darren in terms of his image and everything—yung styling ko po, yung music ko and yung appearance ko po.

“That’s why a lot of people were kind of shocked with my previous birthday pictorial na naka-sando lang ako kasi hindi daw yon yung nakikita nilang Darren and I think that was a good start,” kuwento ni Darren sa interview ng PUSH.


READ: Darren Espanto’s star-studded birthday celebration

Naglabas na rin ang singer ng mas mature na video at iba’t ibang content na talagang iba sa usual na nakikita sa kanya ng mga tao.

“I don’t want to limit myself to one genre only. I’d like to keep on exploring different genre kasi nag-release na rin po ako ng single na alternative, merong R&B, pop siyempre po. So I don’t want to limit myself po but also at the same time mas mature na tunog, hindi katulad nung mga singles ni Darren after niya sa The Voice Kids,” lahad pa ng binata.

Kahit mag-iba ng genre ay hindi pa rin naman daw niya tatalikuran ang dating tunog na nakasanayan ng tao sa kanya.

Ani Darren, “I still want to touch on certain genres na katulad pa rin nung Darren na nakilala ng tao dati pa para hindi naman completely mawala. Kasi I still enjoy singing those kinds of genres naman po.”

Mas magiging mas daring na rin ba siya sa concert scene? Meaning, hot at sexy Darren na ba ang mapapanood sa kanya ng fans?

“Sa ASAP napapasuot na ako ng stylist ko ng mga fish net pero nagre-request pa rin ako na may jacket kasi hindi ko pa po talaga kaya yung naka-fish net lang. Ewan ko po, siguro nasa personality ko din. And I guess I also want to keep everything a bit more mysterious in a way. Yung parang not everything is out there parati and at the same time nakikita po ng tao yung evolution ni Darren—yung pag-mature niya as an artist,” sagot ni Darren.

“And I can say na I’m very proud of what we’ve achieved so far and we’ll see what happens in the next few years, kung ano na ang magiging itsura ni Darren,” natatawa niyang hirit.

READ: Darren Espanto gets birthday greeting from ‘Dancing On My Own’ hitmaker Calum Scott

Pursigido si Darren na mas ayusin pa ang kanyang pangangatawan ngayong taon at magpunta sa gym.

“Gusto ko po sana talaga this year to start working out more pero minsan po wala na talagang time. May ginagawa din po kasi akong new series sa ABS-CBN so nawalan ako ng time dahil naka-lock-in kami sa Baguio,” rason niya.

Ang teleseryeng tinutukoy ni Darren ay ang Lyric And Beat na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.