• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayanna Misola, mas daring daw ang kanilang sexy scenes sa remake.

Ayanna Misola na-pressure ba sa remake ng Dina Bonnevie classic na ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’?

Ayanna Misola, mas daring daw ang kanilang sexy scenes sa remake.

Ayanna Misola na-pressure ba sa remake ng Dina Bonnevie classic na ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/20/2022 04:04 PM
Ayanna Misola na-pressure ba sa remake ng Dina Bonnevie classic na ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’?

Bida ang sexy star na si Ayanna Misola sa remake ng classic film na Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili na ginawa ni Dina Bonnievie sa Viva Films noong 1989. Ayon kay Ayanna bukod sa malaking challenge sa acting niya ang naturang remake movie ay sigurado rin daw na maikukumpara siya kay Dina.

“Very challenging talaga yung role. Sobrang bigat. Si Albina (name ng kanyang karakter) kasi rito, she comes from a religious and loving family, then bigla siyang nag-iba ng personality and her parents noticed it.

“Meron akong tatlong personalities sa movie, paiba-iba talaga siya, so ang emotions ko, parang rollercoaster. Sobrang napiga ako at ang feeling ko, nawala talaga ako sa sarili ko.


“Pero natapos naman namin ang movie and I hope I did justice to the role. I gave it everything na kaya kong gawin so sana, magustuhan ng tao,” kuwento ni Ayanna sa ginanap na digital mediacon ng pelikula na ipapalabas sa Vivamax.

READ: Ayanna Misola on doing a kissing scene with AJ Raval: ‘Super lambot ng lips niya’

Bilang paghahanda sa pelikula ay pinanood daw ni Ayanna ang pelikula ni Ms. D.

“I watched the original film before we started shooting. Sobrang idol ko talaga si Ms. Dina Bonnevie so when it was first offered to me, nagulat ako.

 “This is really my biggest assignment to date. Na-excite ako kasi isang big project ni Ms. Dina, ipinasa sa akin? So I really prepared hard for the role,” pahayag ng dalaga.

“Nagpapayat ako. Then Direk Roman (Perez Jr.) asked me na ipaputol yung buhok ko, so I have shorter hair. I also watched a lot of previous movies of Ms. Dina to find out kung anong magandang attack ang kinakailangan for this movie,” kuwento niya sa ginawang paghahanda.

Nilinaw din ni Ayanna na iba ang version ng kanyang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili sa naunang ginawa ni Dina.

Aniya, “Actually, sobrang layo na nito sa old movie, iba ang story. Iba na ang approach. Pati sa sex scenes with my leading men, Diego Loyzaga and Adrian Alandy, this is more daring. Mas palaban.

“Alam naman natin sa Vivamax, walang limit when it comes to daring scenes, kaya mas malala ito kaysa sa anything that I have done before. Maraming shocking scenes, may orgy scene pa rito.”

READ: Cindy Miranda is happy to be called an ‘action star wannabe’ in ‘Iskandalo’

Gusto rin ba niyang sundan ang career path ni Dina na naging award-winning actress nang tumagal na sa showbiz?

“Naku, marami pa akong struggles. Hindi ako sure kung magiging mala-Dina ang career ko, pero sana nga, ganun din. Eventually, I want to be recognized as a good actress like her. And gusto kong mahigitan yung mga nagawa ko nang roles before,” sagot niya.

Napi-pressure ba siya sa bagong project?

“Wala namang nagpe-pressure sa akin. Ako lang mismo ang nagpe-pressure sa sarili ko,” matipid na pahayag ni Ayanna.