• Home
  • Fresh Scoops
  • Todo ang paghingi ng paumanhin ni Ryza Cenon sa kanyang anak matapos itong aksidenteng mahulog sa higaan.

Ryza Cenon, sinisi ang sarili matapos mahulog ang anak sa higaan: ‘Ako may kasalanan’

Todo ang paghingi ng paumanhin ni Ryza Cenon sa kanyang anak matapos itong aksidenteng mahulog sa higaan.

Ryza Cenon, sinisi ang sarili matapos mahulog ang anak sa higaan: ‘Ako may kasalanan’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/18/2022 11:19 AM
Ryza Cenon, sinisi ang sarili matapos mahulog ang anak sa higaan: ‘Ako may kasalanan’
Photo credit: @iamryzacenon Instagram

Hindi napigilan ni Ryza Cenon na sisihin ang kanyang sarili matapos mahulog ang kanyang anak sa higaan nito. 

Pagbabahagi ni Ryza, nangyari ang aksidente matapos niyang pagdesisyunan na alisin ang unan sa hinihigaan ng anak niyang si Night. 


Ani Ryza, ginawa niya ito dahil sa takot niyang mahulog ang kanyang anak dahil sa pagtungtong na ito sa unan. 

Ngunit ang hindi niya alam, magdudulot ito ng akisdente na lalo niyang ikababahala matapos maging dahilan ng pagkakahulog ng kanyang anak sa higaan ang pagtanggal niya ng unan.  

READ: Ryza Cenon marks first birthday of son Night

“Share ko lang, dahil lumalaki na si Night nagiging malikot at makulit na siya. May gabi na nasa kama siya tumuntong siya sa unan konti na lang pwede sya mahulog kahit may harang,” ani Ryza. 

“So ginawa ko pilit kong tinanggal ‘yung unan ayun nagderetso siyang na hulog hindi ko nasalo,” dagdag pa niya. 

Agad namang kinuha ni Ryza ang kanyang anak at tinodo niya ang paghingi niya ng paumahin rito.  

“Dali-dali kong kinuha si Night tapos niyakap ko sya ng mahigpit tapos naiyak ako kasi ako may kasalanan kung bakit sya nahulog tapos sorry ako ng sorry,” aniya. 

Samantala, pinangako naman ni Ryza sa kanyang sarili na mas magiging maingat na siya sa susunod. 

“Grabe sakit pala sa pakiramdam kapag nasasaktan mo anak mo. Next time magiging careful na ko,” ani Ryza. 

Si Night ay anak ni Ryza sa partner niya na si Miguel Cruz. Isinilang ni Ryza si Night noong ika-31 ng Oktubre taong 2020.