• Home
  • Fresh Scoops
  • May mga tips si Awra Briguela para sa mga bibili ng mga luxury items.

Awra Briguela may paalala sa mahihilig bumili ng branded bag at shoes

May mga tips si Awra Briguela para sa mga bibili ng mga luxury items.

Awra Briguela may paalala sa mahihilig bumili ng branded bag at shoes-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/18/2022 05:35 PM
Awra Briguela may paalala sa mahihilig bumili ng branded bag at shoes
Photo credits: @awrabriguela on Instagram

Prized possessions na maituturing para kay Awra Briguela ang kanyang mga mamahaling gamit o designer items kaya sobra niya itong iniingatan at inaalagaan. Hindi rin niya ito idinidisplay lang kundi talagang sinusuot at ginagamit pa niya.

Sa isang video na in-upload ni Awra ay nagbahagi siya ng mga tips para sa tamang pagbili ng mga luxury items. Hindi rin naman kasi talaga biro ang halaga ng mga ito na bago mo mabili ay kailangan pa talagang pag-ipunan.

“Make sure na magagamit mo siya at hindi lang siya ipangdi-display. Kasi kung gusto mong mag-display, bili ka na lang ng paintings,” paalala niya sa mahilig bumili ng mga designer items.


LOOK: Awra Briguela, Mimiyuuuh, Sassa Gurl pose for mag cover

Dagdag pa ni Awra, “Make sure na hindi siya maiimbak sa bahay niyo and make sure na lagi mo siyang magagamit para masabi mo sa sarili mo na, ‘deserve ko talaga ‘to.’”

“Yung bibilhin mo dapat sure ka na gustong-gusto mo talaga. Make sure na aalagaan at mamahalin mo yung item na bibilhin mo. Kasi, di ba, sayang naman yung presyo. Ang mahal-mahal tapos sasayangin mo lang, masisira at mabubulok,” paalala naman niya kung paano ang tamang pag-aalaga o maintenance ng mga mamahaling bags at sapatos.

Sa naturang video ay ipinakita rin ni Awra ang ilan sa kanyang mga branded sneakers, designer bags at accessories. Ang ilan daw  dito ay iniregalo sa kanya ng mga kaibigang celebrities   tulad nina Vice Ganda at Zeinab Harake.

READ: Awra Briguela turns 18 with photo shoot, celebration

“Siguro yung pinakamahal na nabili ko para sa sarili ko is ‘yung mga sapatos, noong nag-start ako mag-collect ng Jordan. Pero yung mga designer items like yung mga bags and accessories, ilang beses pa lang ako bumili for myself.

“Lahat ng sapatos na kino-collect ko, hindi ako natatakot na i-crease siya. Kasi di ba, binili mo  yon, and yung sapatos ginawa para gamitin. Pero naiintindihan ko rin naman yung mga taong iniingatan,”  pahayag pa ni Awra.