• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Jane De Leon ang ilan sa kaniyang naging paghahanda para sa nalalapit na paglipad ni Darna.

Paglipad ni ‘Darna’ di na mapipigil; Jane De Leon todo paghahanda na

Ibinahagi ni Jane De Leon ang ilan sa kaniyang naging paghahanda para sa nalalapit na paglipad ni Darna.

Paglipad ni ‘Darna’ di na mapipigil; Jane De Leon todo paghahanda na-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/17/2022 07:09 PM
Paglipad ni ‘Darna’ di na mapipigil; Jane De Leon todo paghahanda na
Photo credits: @imjanedeleon on Instagram

All set na at handang-handa na ang Kapamilya star na si Jane De Leon para sa nalalapit na paglipad ni Darna sa telebisyon.

Sa naganap na unveiling ng giant Darna mural sa ABS-CBN compound, nakapanayam ng PUSH si Jane kung saan nagbahagi siya ng kuwento sa kaniyang paghahanda sa proyektong inaabangan na ngayon ng mga Kapamilya.

Una na dito ang foreign stunt team from Australia na personal na nag-train kay Jane sa ma-aksyon na eksena ni Darna.


“Preparation for actions actually yung mga stunt team namin is from Australia and we don’t want naman na masyadong mag-expect ang ating mga Kapamilya, ating mga netizens pero hangga’t maari, binibigay talaga namin ang best namin para maging maganda ‘yung ginagawa naming,” sambit ni Jane.

Kasabay ng intense na mga eksena sa set, ibinahagi ng Kapamilya star na hindi na bago sa kanila ang disgrasya.

“About accidents, ilang beses na po ako na-aaksidente.” ani Jane. “Sa totoo lang po talaga na-ospital na rin po ako and dumating sa point na kailangan na rin po ako bigyan ng shot ng anti-tetanus. And ‘yung mga bagay na ganun, hindi po siya talaga maiiwasan sa action e, pero kahit ganun po, you just need to rest lang and laban lang ulit, ganun lang po talaga siya,” paliwanag ng Kapamilya star.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

From action stunts, isa rin sa ibinahagi ni Jane ang kaniyang naging kasiyahan nang first time niya na nai-suot ang Darna costume na isa rin sa kaniyang pinaghandaan.

“Actually super naging emotional ako noong unang beses ko suotin ang costume. From how many years na naghintay—mga almost two years siguro ‘yun—and now ma-experience ko na talaga ang pagiging Darna.”

Patuloy ni Jane: “More on exercise talaga dapat, kailangan well-maintained, balanced diet kailangan ganun.”

At sa nalalapit na paglipad ni Darna sa telebisyon, aminado si Jane na nararamdaman nila ang pressure.

“Pressured po, normal naman po siguro na ma pressure,” ani Jane. “Pero dapat stay positive lang and stay to people who can help you to be a better person.” 

WATCH: Behind-the-scenes of ‘Darna’ with Jane de Leon as Narda

Sa ngayon, puspusan pa din ang paghahanda ni Jane kasama ang buong cast and team ng Darna The TV Series kasama sina Janella Salvador at Joshua Garcia sa direksyon ni Chito Roño.