• Home
  • Fresh Scoops
  • Bibida na rin sa sikat na teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang beteranang aktres at host na si Charo Santos.

Charo Santos, tampok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Bibida na rin sa sikat na teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang beteranang aktres at host na si Charo Santos.

Charo Santos, tampok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/17/2022 12:55 PM
Charo Santos, tampok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo credit to @dreamscapeph Instagram

Bibida na rin sa sikat na teleserye na FPJ's Ang Probinsyano ang beteranang aktres at host na si Charo Santos.

Ito ang kinumpirma ng Dreamscape Entertainment sa kanilang post sa Instagram nitong Martes, Hunyo 16. 

"Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilim na daan! Abangan si Ms. Charo Santos-Concio sa FPJ’s Ang Probinsyano!"


Hindi pa alam kung ano ang magiging papel ng aktres sa nasabing serye, ngunit marami na ang tila na-excite sa kanyang paglabas, kabilang na ang isa sa mga bituin ng Ang Probinsyano na si Sharon Cuneta.

"Wow!!! Ma’am CHARO is joining our family!!!" ani Sharon sa kanyang Instagram post.

Bukod kina Charo at Sharon, ilan pa sa mga kilalang bituin na parte ng Ang Probinsyano ay sina Lorna Tolentino, John Arcilla, Rowell Santiago, Jaime Fabregas, at Tirso Cruz III.

Kasalukuyang napapanood si Charo bilang host ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Kamakailan ay bumida siya sa pelikulang Kun Maupay Man It Panahon o Whether the Weather Is Fine kasama si Daniel Padilla.

READ: MMFF Best Actress Charo Santos hopes film will inspire survivors of Typhoon Odette

Abangan ang paglabas ni Charo sa FPJ's Ang Probinsyano na napapanood gabi-gabi sa  sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iba pang platform ng ABS-CBN.