• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Ryza Cenon na ‘kinalawang’ na siya sa pag-arte.

Ryza Cenon ibinahagi ang mga takot na nararamdaman bilang first-time mom at sa offer ng MMK

Aminado si Ryza Cenon na ‘kinalawang’ na siya sa pag-arte.

Ryza Cenon ibinahagi ang mga takot na nararamdaman bilang first-time mom at sa offer ng MMK-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/16/2022 03:25 PM
Ryza Cenon ibinahagi ang mga takot na nararamdaman bilang first-time mom at sa offer ng MMK
Photo credit to @iamryzacenon Instagram

Halos tatlong taon ding nagpahinga sa pag-arte si Ryza Cenon dahil sa pandemic at pagiging ina sa anak niyang si Night kaya aminado ang aktres na kinalawang na ang kanyang acting ability. Ito ang inamin niya sa PUSH sa ginanap na digital mediacon para sa pelikulang Rooftop ng Viva Films nitong Miyerkules, June 15.

“Ah, super. Sobra kasi three years na rin and hindi pa rin ako nakakapag-taping or nakaka-try mag-work as in,” pagtatapat ni Ryza.

Kinakabahan din daw siya na tanggapin ang offer ng ABS-CBN na magbida sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya dahil baka hindi na siya marunong umarte.


“Right now may offer sa akin ang MMK so kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung kaya ko pa. So parang feeling ko, ah, ‘Okay, back to zero.’ Feeling ko parang baguhang artista ako uli,” sabi pa ng aktres.

READ: Ryza Cenon, tinulungan ang lolo na ikinulong dahil sa pagnanakaw ng mangga

Nilinaw naman ni Ryza na hindi pa rin niya lilimitahan ang sarili sa pagtanggap ng sexy roles sa pelikula kahit nagkaroon na siya ng baby.

Aniya, “Hindi naman siguro. May iba, like yung super sexy talaga, hindi ko talaga siya kayang gawin. But if meron sa script na kailangan siya and maganda naman yung mapag-uusapan namin ng direktor open naman akong gumawa ng sexy pero hindi yung all out.”

Ang Rooftop na isang horror-thriller movie mula sa direksyon ni Yam Laranas ay naipalabas na sa SM Cinemas few weeks ago para sa Asian Horror Festival, pero sa June 17 ay streaming naman ito sa Vivamax.

And speaking of takot, tinanong ng PUSH si Ryza kung nakakaramdam din ba siya ng takot sa real life role niya bilang ina ni Night.

Sagot dito ni Ryza, “Oo naman po. Everyday nakakaramadam ako ng takot.”

“Minsan, feeling ko hindi ko nagagawa nang tama yung pagiging ina. And ngayon toddler na si Night, mas nakakatakot kasi ang likot-likot na niya. May time nahulog siya sa kama.

“Umiiyak din ako tapos sorry ako ng sorry sa kanya. Siguro ang biggest fear ko bilang first time mom ko, eh, yung hindi ko magawa nang tama yung pagpapalaki sa kanya,” paliwanag ng aktres.

READ: Ryza Cenon marks first birthday of son Night

Samantala, masaya si Ryza sa magandang review sa performance niya sa Rooftop kahit pa feeling niya ay kinalawang ang acting niya.

“Siyempre, yung expectation talagang mataas at natatakot ako na baka hindi ko siya ma-deliver nang tama dahil biglaan akong pinasok o sumalo do’n sa karakter don sa movie na hindi naman talaga ako dapat kasama do’n pero sinalo ko kasi. So, medyo na-pressure ako don kasi konti lang yung time ko paraa pag-aralan yung karakter ko…

“And sobrang nakakatuwa naman na naging maganda yung reviews. Kumbaga, nagbunga yung pinaghirapan at yung maliit na oras na talagang binigay ko para pag-aralan yung karakter,” huling pahayag ni Ryza sa PUSH.