• Home
  • Fresh Scoops
  • Aware aniya si Janella Savador sa usap-usapan na hiwalayan umano nila ni Markus Paterson.

Janella Salvador, nilanaw ang status ng relasyon kay Markus Paterson

Aware aniya si Janella Savador sa usap-usapan na hiwalayan umano nila ni Markus Paterson.

Janella Salvador, nilanaw ang status ng relasyon kay Markus Paterson-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/16/2022 06:55 PM
Janella Salvador, nilanaw ang status ng relasyon kay Markus Paterson
Photo credits: @superjanella on Instagram

Sa naganap na unveiling ng giant Darna mural painting sa ABS-CBN compound, present ang Kapamilya actress na si Janella Salvador bilang bahagi ng upcoming Darna the TV Series kung saan gaganap siya bilang si Regina o Valentina.

Dito ay sinagot rin ni Janella ang mainit na issue ngayon sa kaniyang personal na buhay na hiwalayan umano nila ng partner na si Markus Paterson.

READ: Janella Salvador promotes Markus Paterson’s new single


“Markus and I are okay,” mariin tugon ni Janella sa PUSH.

Ayon sa Kapamilya star, hindi na bago sa kaniya ang issue na ito sa kanilang relasyon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

“And I am aware of speculations that are going around. Siguro I’m asking people to give us more time, I-respect kung ano man ang nangyayari pero okay kami we’re totally okay,” patuloy ni Janella.

Aware man aniya sa issues na nakapaligid sa kanilang relasyon ni Markus, para kay Janella isinasantabi niya na lamang ito.

“Well siguro hindi na maiiwasan na people will talk,” sambit nito. “Pero ‘yun nga I hope people respect our privacy as of now and eventually naman kung ano man… respect our privacy muna but we’re okay.”

At kung tatanungin naman sa kung sino nga ba ang kaniyang inspirasyon ngayon, tugon ni Janella: “Yes I am inspired by Jude. Every single day of my life siya ‘yung inspiration ko.” Si Jude ay ang baby boy nina Janella at Markus.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ni Janella sa nalalapit na paglipad ni Darna sa television.