• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkasamang nag-beach getaway sina Erika Portunak at Kobe Paras.

Anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak at Kobe Paras, magkasamang nagbakasyon

Magkasamang nag-beach getaway sina Erika Portunak at Kobe Paras.

Anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak at Kobe Paras, magkasamang nagbakasyon-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/16/2022 04:50 PM
Anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak at Kobe Paras, magkasamang nagbakasyon
Photo credit to @erikarae.p Instagram

Spotted magkasama sa isang beach trip ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak at ang basketball star na si Kobe Paras. 

Si Erika ang panganay na anak ni Ina sa asawa nito na si Brian Portunak habang si Kobe naman ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rikki 🦎 (@erikarae.p)


Sa isang Instagram story na ibinahagi ni Erika at nirepost ni Kobe, makikitang magkasama ang dalawa sa isang beach getaway kasama ang ilan sa kanilang kaibigan. 

Anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak at Kobe Paras, magkasamang nagbakasyon

READ: Ina Raymundo’s daughter Erika Rae joins showbiz

Bagama’t walang ibang detalyeng ibinigay, marami ang kinilig sa mga litrato ng dalawa. 

Taong 2021 nang ibahagi ni Erika sa isang TikTok video na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Chris Card matapos umano siyang lokohin nito. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kobe (@_kokoparas)

Dati namang karelasyon ni Kobe ang Ateneo Lady Eagles volleyball player na si Ponggay Gaston. 

READ: Kobe Paras admits being depressed when he returned to PH 4 years ago

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon tungkol sa estado ng relasyon nina Kobe at Erika.