• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya na ang puso ni Barbie Imperial ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo na si Diego Loyzaga.

Barbie Imperial, naka-‘move on’ na sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga

Masaya na ang puso ni Barbie Imperial ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo na si Diego Loyzaga.

Barbie Imperial, naka-‘move on’ na sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/16/2022 04:00 PM
Barbie Imperial, naka-‘move on’ na sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga

Masaya na ang puso ni Barbie Imperial ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng aktor na si Diego Loyzaga.

Sa panayam ng PUSH sa sidelines ng MEGA Ball 2022, inamin ng aktres na tuluyan na siyang naka-move on mula sa hiwalayan nila ng dating nobyo. 

"Sobrang happy ako about my life. Finally, naka-move on na ako. I'm very happy with my life now," aniya.


"For me kasi, 'yung pag-move on, parang hindi naman siya tuloy-tuloy. There will be days na sasabihin mo na, 'Ay okay na pala ako.' And then one day, you just wake up, and boom, 'di ka pa pala naka-move on fully," dagdag ni Barbie. "So ayun. I think naka-move on na ako, matagal na. Pero ngayon ko masasabi na I'm really happy talaga."

Matatandaang Pebrero nitong taon nang kumpirmahin ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego matapos ang higit isang taong relasyon.

READ: Barbie Imperial reacts to Diego Loyzaga’s statement on cheating

Samantala, nilinaw naman ng aktres na nananatili siyang single o walang karelasyon.

"I'm not dating anyone. Wala, as in happy lang na ako lang," aniya. 

Paliwanag ni Barbie: "My happiness right now, sobrang, it's very peaceful. Like before kasi, after a breakup, parang ang bilis ko mag-date. But now, mas iba pala 'yung happiness kapag hindi mo siya nakukuha sa ibang tao."

READ: Diego Loyzaga, ikinuwento kung paano naging malapit kay Franki Russell

Sa ngayon ay tutok lamang si Barbie sa kanyang sarili at karera sa show business. Ayon sa aktres, nakatakda siyang bumida sa bagong pelikula, ang I Love Lizzy kasama si Carlo Aquino.