• Home
  • Fresh Scoops
  • Lubos ang pasasalamat ni Michelle Dy na malapit nang matapos ang kanyang naipundar para sa kanyang sarili.

Michelle Dy, ibinida ang bagong naipundar

Lubos ang pasasalamat ni Michelle Dy na malapit nang matapos ang kanyang naipundar para sa kanyang sarili.

Michelle Dy, ibinida ang bagong naipundar-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/15/2022 11:22 AM
Michelle Dy, ibinida ang bagong naipundar
Photo credit to @michelledyy Instagram

Proud na ibinida ng vlogger at beauty influencer na si Michelle Dy ang naipundar para sa kanyang sarili. 

Sa Instagram post, ibinahagi ni Michelle ang mga litrato ng kanyang bagong ipinatayo na gusali sa Ilocos Norte. 

READ: Michelle Dy breaks down in tears in tell-all interview with Toni Gonzaga


Ani Michelle, marami pa siyang dapat trabahuhan ngunit masaya siya na nalampasan na niya ang isa sa marahil ay pinakamalaki at pinakamabigat sa lahat — ang makuha ito. 

“I know I still have so much work to do but I am happy I’ve already gone thru the biggest and hardest part which is acquiring you,” ani Michelle. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MD (@michelledyy)

Bagama’t hindi niya idinetalye ang gagawin niya rito, sinabi niyang marami siyang plano rito. 

“You have so much potential and I can’t wait to put my touch into you,” saad ni Michelle. 

Pinasalamatan naman ni Michelle ang kanyang pamilya at mga kaibigan na aniya’y sinuportahan siya sa lahat ng ito. 

READ: Vlogger Michelle Dy shares her favorite moments with close friend Lloyd Cadena

“My family and friends are my number one supporters, I can’t thank them enough. One step at a time. Cheers to more buying sprees,” aniya. 

Samantala, napuno naman bumuhos naman ang pagbati mula sa malalapit na kaibigan ni Michelle.